Sunday, February 22, 2009

REKLAMO MODE: MASAYA KA BA SA TRABAHO MO? (POSTED JUL2008)

DISCLAIMER: MAIDAGDAG KO LANG AH? HINDI AKO NANGDI-DISCOURAGE… NALOLOKA LANG AKO SA COMMENTS. BAKA SABIHIN NG CALL CENTER MASAMANG ELEMENTO AKO. HINDI PO. EXPERIENCE KO LANG TO… KUNG TRIP NIYO MAG-WORK DUN, KEMBOT LANG.


***hindi na muna ako magpapatawa ngayon. magtatanong lang ako..

MASAYA KA BA SA TRABAHO MO? *****

=========================================================================

"PUTANG INA…QUEUEING!!!!!!!!!!"

isang taon na rin pala ang lumipas.isang taon na akong agent.

noon lang nag-iinarte ako na mahirap ang trabaho ko. nagbabalak mag-resign sa loob ng apat na buwan makawala lang sa training bond ng aming kumpanya. laging ngumangawa na "ayoko na!!!!" o di kaya "antok na ako!!" o kaya naman "gutom na ako."

ayoko na maging bum. sawa na ko sa ganoon. walang sweldo. walang pera. tambay. laging si "PAHINGI." ayoko na nun.

sa ngayon sumusweldo na ako. malaki na rin yung halaga para sa akin kasi unang trabaho ko yun. wag kang mag-alala. hindi nga ako mamasang. hindi rin ako pokpok (wish ko lang kung mag-apply ako may tumanggap sa kin. mamaya may customer nga ako, ako pa ang magbayad!)

pero muli, ang trabaho ko ay sa gabi. call center nga.

ngayon ko na masabi, kahit papaano.. . ang mga katagang…

BUHAY CALL CENTER.
========================================================================

hindi ako beterano.

tenured siguro.

hindi ko rin alam kung anong operational definition nun. basta, sa August 31, 2008.. isang taon na akong nagko-calls, namumura, inaaway, binabastos, pinupuri, hinahamak, kinokomentuhan, nauubusan ng English,nag-iimbento ng mga rules na wala namang ganun, bumabagsak, pumapasa, pumapasok, umaabsent, half-day, late, kino-coach, sumusweldo, nagii-Starbucks (siyempre may pambili na ko), nagbi-VL (vacation leave), sick leave, nagdadahilan, tinatamad, forced leave, leave na hindi naman, nagla-lunch nang madaling araw, natutulog sa umaga, gising sa gabi, tumatakas, di makatulog, di mapakali, pinagsasabay ang panlalalaki sa calls at naghahanap ng maso-syota among my teammates and co-workers (pucha! wala pa rin.. certified ungas talaga!), pume-petiks na rin… at kung ano-ano pang achuchuchu na nararanasan ng mga nagtatrabaho hindi lang sa call center… kung saan man din.

========================================================================

"ano oras pasok mo next week? "

"11:45 PM, ikaw?"

"10:15"

"pwede bang palit tayo?"

"ayoko nga."

"bakit?"

"mas maaga ang start time ko sa’yo. at nakakatamad ang 11:45"

ako… lungkut-lungkotan.

yan lang minsan ang ayoko. iba-iba ang schedule.

mas gabi, mas ayoko.

mas late, mas nakakatamad.

isang taon na. hindi pa rin ako nakaka-adjust sa hinihingi ng trabaho ko. parang habang tumatagal lalong hindi ako nasasanay. ewan ko ba? o baka nga sa sobrang sanay na ako ayos lang sa akin ang ma-late o wala na lang sa akin ang lahat ng pagbabago na yan.

ang masaya lang yung sweldo. yun lang.

=========================================================================

minsan nga hindi mo na rin namang kayang tagalan ang ginagawa mo sa trabaho lalo na kapag lahat ng ginagawa mo araw-araw o sabihin na nating gabi-gabi ay pareho lang. parehong script, parehong tema, parehong pwesto, parehong tao, lahat na lang. wala na ang buhay mo talaga. napaka-stagnant. (don’t get me wrong. hindi namna ito applicable sa lahat ng tao. baka ikaw super saya mo.ako kasi, hindi.)

hindi siguro ako kagaya mo. dedicated masyado sa trabaho. gustong-gusto ng promotion. sino ba ang ayaw? pero ako, karaniwang tao lang ako. nagsasawa. tinatamad kung minsan. hindi naman talaga ako full-blooded batugan. kaso lang talagang naghahanap ka ng ika nga ni Anday(isa sa mga readers), "lasa" sa trabaho.

insecure dahil ang iba nasa mataas na posisyon? hindi ‘no? sigurado ako rito. anong premise ba ang maibibigay ko? wala yata. pero i can ascertain that i am not jealous nor am i envious. (dumugo ilong ko dito a?)



=========================================================================

o siguro katulad lang din ako ng iba. Nurse kasi ako. Hindi ako dapat nasa call center. kaso anong magagawa ko? wala pa akong trabahong mahanap sa ospital. hindi naman pwedeng walang sweldo. nagbabayad na ‘ko ng bills at kahit konti, nahihiya na rin akong manghingi nang manghingi sa nanay ko.

kung akala ng iba na madali sa call center, nagkakamali sila.

oo, nakaupo ka lang. sasagot ng tawag. pero iba rin pala ang nakikinig ka sa frustration ng ibang tao. nakikialam sa problemang wala namang kinalaman sa iyo. nagbebenta ng produktong hindi naman naiaangkat o naibebenta sa Pilipinas. nakikisakay sa usapang hindi mo naman nararanasan dito. umaayos at nagpo-promote ng teknolohiyang hebigats na hindi mo naman talaga iyon nakita kahit kailan. o kaya naman natutuwa sa mga bagay na ni minsan hindi mo naman nakahiligan.

nagsisimula ang araw mo sa gabi at natatapos ang gabi mo sa araw.

ako nagrereklamo? hindi siguro. nagsasabi lang din ng saloobin. ito ang pinakamagandang excuse na nagagamit ng taong hindi nakakaramdam ng fulfillment. at isa na ako dun.

ano na nga ba ang pinakamagandang trabaho?

katulong?
janitor?
kargador?
dispatsador?
doktor?
nars?
propesor?

ano?

basta yung masaya.

=========================================================================

PERO ALAM MO KUNG BAKIT AKO NAKATAGAL NG ISANG TAON AT NAGTATAGAL PA SA TRABAHO KO?

YUN AY DAHIL SA KASAMAHAN KO.



ISANG TAON NA RIN. MAG-RESIGN NA KAYA AKO?

SA’N NAMAN AKO PUPUNTA PAGKATAPOS?

==========================================================================

***hindi na muna ako magpapatawa ngayon. magtatanong lang ako..

MASAYA KA BA SA TRABAHO MO? *****

1 comment:

  1. maganda yung blog mo. sana dagdagan mo pa :) ako di ako masaya eh.

    sabi nga saken dapat may tatlong elemento sa trabaho. Kaya mo ba? Gusto mo ba? at Pwede ba?

    ReplyDelete