Sunday, February 22, 2009

AYOKO NG PICTURE (POSTED: NOV2006)

Isa ka ba sa mga taong nagkaroon ng pagkakataon na makahawak at magkaroon ng MMS phone? yun bang may camera at pwede ka rin mag-send ng picture sa iba na may parehong klase ng celfone? nagkaroon ka ba ng magandang modelo ng fone na halos iwagayway mo na sa mga lugar na napupuntahan mo at pagkatapos: CLICK! yehey! picture!


***

ngiti dito, ngiti doon.

"halika rito! picture tayo!"

…o kaya naman may makikita kang parang siraulo sa isang tabi, nakangisi, at nagpo-pose ng iba-ibang porma at parang mababali na ang katawan, makuhanan lang ang sarili ng isang napakagandang anggulo at pagkatapos, ipo-post sa friendster.

"wow! ang cute naman nito!" *click*

"ay, ang labo! night mode natin…yan malinaw na!"

"ay, ang taas ng memory. pero okay lang, maganda naman ako rito."

"ay, ang pangit ko naman dito, ~*delete* "delete*X100~ ayan, okay na."

****

yan ay ilan lamang sa mga linya o sentences na maririnig mo sa mga taong mahilig kumuha ng kumuha ng picture… ang tinutukoy ko ay yung mga taong sinasabi ko kanina. yung may mga MMS celphone na may camera. ang saya no?

ako, aminado naman ako na isa ako sa kanila. mayroon akong Vodafone na may camera. Sharp ang celfone ko. Wala nun dito sa Pilipinas kasi galing London yun. bigay ng Tita ko sa akin.

***

talaga nga namang nakakangalay ang ngumiti. nakita mo naman yung ngiti ko jan sa picture ko. 50 shots muna bago kona-achieve yung ganung kuha. tapos, ang pangit pa rin. by latter time, magsasawa rin ako at idi-discard ko rin.

***

MMS PHONE SYNDROME: ito ay isang sakit na kung saan ang isang tao ay nahuhumaling na sa kakukuha ng litrato mula sa kamera ng kaniyang selpon at maaaring humantong sa isang nakakatawa o seryosong sitwasyon.

Mga Sintomas:

1. palaging hawak ang selpon

2. hindi na matahimik kapag hindi makakuha ng litrato sa loob ng isang buong araw.

3. lahat na ng klase ng position ay halos masubukan na, kahit ang imposible.

4. maraming file names na naiisip. maiba lang.

5. may isang folder sa selpon niya na kung saan, puro siya lang ang picture dun. ang mga litrato ay di bababa sa 30 kung bibilangin.

6. ang mga picture niya, iisang lokasyon lang. iisang style. iisang damit na suot. pero ang dami.

7. *click* *click* o kung ano pa man ang shutter sound ng cellfone niya, yun ang maririnig mo.

8. kahit saan magpunta, dapat may picture.

9. maya’t-maya, nagpapalit ang picture sa friendster o kung saan mang account yan…hay!

10. ang wallpaper, picture niya. in-edit pa!

***

wag kang mag-alala. inimbento ko lang ito. naisip ko lang.

***

BAKIT NGA BA ANG HILIG NG MGA PILIPINO SA PICTURE?

No comments:

Post a Comment