Sunday, February 22, 2009

KUYA HUWAG PO (POSTED: FEB 18 2009)

CHAPTER 1: KUYA HUWAG PO!

nang minsan galing ako sa duty, inaya ako ng isang kasamahan na sabay na kami pauwi. pareho naman kami ng daan kaya pumayag ako. ALAS SIYETE NA NG GABI.

pero… gusto niya sumakay sa bus!

hindi ako mahilig mag-bus. sobrang hilo ko kasi at standing ovation lagi pag puno na. nasusuka ako pag sumasakay ako doon. (no offense sa mga bus fanatics. mabilis naman ang biyahe kung sa bus ka sasakay. ako lang talaga hindi mapalagay eh.)

ang paborito at sinasamba kong sasakyan ay JEEP! kung kayang i-jeep ang mula sa bahay namin hanggang Baguio, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. sa jeep, walang standing ovation. may mga sabit nga lang.

pero halos 30 minutes na kami naghihintay ng jeep na masasakyan.

ahhmm… teka. gusto ko ng jeep… na maluwag. ayoko ng masikip. nakakaawa ang mga katabi ko e.

well, anyway, wala eh. hinayaan ko na lang. alangan namang mag-antay kami ng 1 oras. so yun. eto na ang adventure.

“fairview… fairview… fairview…” sigaw ng barker ng bus.

“fairview?” sabi ko. parang unggoy lang.

sumakay kami pero bakit habang umaakyat kami ng hagdan umaandar na. doon ako takot talaga.

“echusera ka. ayoko dito.” sabay tapik ko sa kasama ko habang ako ay takot na takot na feeling ko mahuhulog ako sa bus.

(habang standing ovation kami, medyo naririnig ko na binibiro aKO NG mga ibang tao sa bus. malaki kasi ako. pero sabi nga ng kasama ko, hindi na naman nila ako pag-uusapan sa bahay so hinayaan ko na lang.)

“miss dito ka na.” sambit ng isang mama.

tumabi ako sa kanya at ang kasama kong echusera, nakahanap na rin ng upuan pero hindi kami tabi.

habang nakatingin ako sa bintana, hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ng katabi ko. tiningnan niya muna ako. mula ulo… hanggang bilbil… hanggang paa.

“okay lang yan… cute ka naman eh.” sabay ngiti sa niya sa akin.

“hehehe.. talaga po?” sagot ko naman na mukhang tanga na may malaking teardrop sa likod ng ulo ko.

“saan ka bababa?” tanong ni Manong.

“sa Don Antonio po. eh kayo po?” para may masabi lang.

“bago sa’yo.”

tumigil kami saglit. pumara na ang kaibigan ko sa Balara. nagpaalam na siya sa akin.

“sige Glai. una na ‘ko.” at umalis siya nang natatawa sa akin.

at tinuloy ng mama ang pagsasasalita niya.

“ahmmm… pwede bang dumalaw sa inyo?”

dalaw? ano ka, regla?

hindi ako sumagot. kasi hiyang-hiya ako sa mama.

“may magagalit ba kung dadalaw ako sa inyo?” kulit niya!

“meron po.”

“sino?”

“ako po!” at pumara na ako.

wahahahaha!

(natawa na lang ako sa sagot ko. may part 2 pa to pero hindi siya nakakatuwa.)

——————————————————–

CHAPTER 2: ULAM

SA LUMA NAMING TIRAHAN… matagal na yun.

hindi naman kami nasa squatters area pero dikit-dikit ang mga bahay sa compound namin. may mga kapitbahay na halo-halo. mabait, magalang, chismosa, pala-away na talsik-laway, nanghihinguto ng kuto nang may kuto, maingay, plastik… lahat naroon na.

pero may namumukod tangi kaming kapitbahay na hindi naman mahirap. pero tamad magluto. palibhasa alam niya na may mga mabait siyang kapitbahay na handang tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

tok tok tok! ayun kumakatok na siya.

ang hobby niya: MANGHINGI NG ULAM. hindi lang sa akin kundi sa iba rin.

“ui, baka naman may natira pa kayong ulam. penge naman?” at dala-dala niya ang mini caldero niya.

“ah o sige. walang problema. kaso di rin ako nakapaghanda. ginisang gulay lang ito.”

“okay lang. thank you.”

parang 3 times a week yun manghingi ng ulam. ewan ko ba.

“o eto.” at inabot ko na ang ininit na ginisang repolyo.

“sige, salamat ah!” paalis na siya ng tinawag ko siya uli. hihirit lang ako.

“teka, eh ikaw, may natira ka pa ba?”

“natirang ano?”

“kahihiyan…”

(masama ba ugali ko? makain niya pa kaya yun?)

——————————————————–

CHAPTER 3: KAGE BUNSHIN TECHNIQUE!

“sikat ka na nga eh.” sabi sa akin ng ka-chat ko.

“hindi naman.” forced humility. hahaha!

pero di ko akalain na pwede na rin namang i-consider. sabagay may nag-aabang na rin naman ng mga sinusulat ko.

pero may iba pala na kumokopya ng mga sinulat ko. hala!

clones ko daw. kaya naisip ko:

KAGE BUNSHIN TECHNIQUE!

okay lang. sige, mangopya kayo. pero:

ANG MANGOPYA NG BLOG, PANGET. hahahaha!

maniwala tanga. (ano ba yun?)

ang endpoint, okay lang sa akin yun. nung college din naman ako nangunguha lang din ako sa mga sites pangsagot sa assignment ko. may reference nga lang.

—> salamat sa mga nag-abalang hanapin ang mga taong ito. di natin sila bati. di ko kasi gaano maprotektahan ang blog ko. pero kung may credits naman okay lang. walang problema.

——————————————————–

CHAPTER 4: ANONG PINAG-UUSAPAN NIYO?

alam niyo ba yung sitwasyong sa himbing ng tulog niyo, kapag may naririnig kayo sa paligid, napapanaginipan niyo? pero hindi ka naman talaga nananaginip pero dahil naririnig mo lahat? (kung hindi mo maintindihan, magpost lang ng message sa MESSAGE BOARD at ie-explain ko. o kaya PM sa YM.)

natutulog ako noon nang sa panaginip ko, may nagtatanong, “BAKIT MO AKO LOVE?”

akala ko panaginip talaga. yun pala ay yung kuya ko at girlfriend niya na nagpapalitan ng sweet nothings sa telepono.

nagising tuloy ako.

hindi ko sila maintindihan.

kasi, araw-araw naman silang magkausap.

sa bawat araw, 10 beses sila nagtatawagan.

sa bawat beses ay mahigit isang oras sila nagbabalitaktakan kung ano ang almusal nila, tanghalian, hapunan, meryenda, at midnight snack.

pero ano kayang pinag-uusapan nila talaga?

bilog ba ang mundo?

paano matulog ang kuba?

bakit pula ang kamatis?

bakit mabaho ang jebs mo pero hindi ka nasusuka; pero pag iba nakaamoy, parang mamamatay na sila?

ilang taon na kaya si Marian Rivera?

Anong tatama sa lotto?



hay… siguro kung magkaka-syota ako saka ko lang sila maiintindihan. baka nga kung ako yan, lunok-laway lang ang pahinga tapos chika uli.

paningit: ang tip ko sa blog na nauna rito ay hindi totoo. (basahin ang VALENTINE DRAMA.)

——————————————————–

CHAPTER 5: SANA BLOG NA LANG AKO.

natutuwa ako sa mga comments na ganito: I LOVE YOUR WRITINGS, I LOVE THE WAY YOU WRITE, I LOVE YOU POSTS, I LOVE READING YOUR BLOG… chenelyn, eklavoo, iskembular…

naisip ko: SANA BLOG NA LANG AKO.

(TINGNAN ANG MESSAGE BOARD. PATI AKO NALOKA SA SARILI KO.)

——————————————————–

PS: ang mga kwento sa taas ay edited na. kung gusto niyo makipagkuwetuhan, YM niyo lang ako. kukuwento ko na lang yung version na buo. THANK YOU.