Sunday, February 22, 2009

BULILIT (POSTED: FEB2008)

KANINA LANG… (hapon)

setting: sa bahay

oras: 2:00 PM

(gutom na ako nang oras na ito)

ako: cha, pao… di pa ba kayo nagugutom?

cha: gutom na ako.

pao: ako din.

ako: pa-deliver tayo.

cha: sige! gusto ko jolibee.

pao: mcdo naman. para iba naman.

(nagtalo pa sina cha at pao kung ano ang gusto nila. pero nadaan yata nila sa bato-bato-pik at nanalo si cha!)

(pagkalipas ng ilang minuto… bumalik na ako para malaman ang desisyon nila.)

ako: ay, alam ko na! bibili na lang ako sa tindahan. magluluto ako ng ispageti!

cha at pao: ayaw namin yun kasi hindi masarap!

ako: hinde.. bibili ako ng meat sauce!

cha at pao: kahit na! gusto mo ba masaktan, ha ate?

(in-ate niyo pa ako!!!)

kung magiging caricature siguro ako nung mga panahon na iyon, i-drawing niyo na yung mukha ng cartoon character na gusto niyo na may vertcal na guhit-guhit yung noo tapos magulo yung buhok na may malaking tulo ng luha sa mga mata tapos lumobo pa yung sipon ko… kulay blue rin yung background ko…sabay singhot!


KANINA LANG… (umaga)

setting: sa kusina

oras: 8:00 AM

activity: nagpupunit ng dahon ng gabi para patuyuin at gagawin ang mga tuyong dahon na sangkap sa BICOL LAING.

pao: ate, ano ba ‘to?

ako: dahon ng gabi.

pao: ito ba yung nandun nakatanim nung nasa Pasay pa tayo?

ako: oo. yung dahon na hindi nababasa.

pao: ahhh… yung dahon na mahilig naming duraan kasi amazed na amazed kami ng mga kalaro ko kasi hindi dumidikit yung mga laway namin. ang galing. ito pala yun!

yakkk…..

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

naalala ko no’ng bata pa si cha. hindi pa siya nag-aaral noon.

mahilig siya maglaro. normal lang yun. bata siya eh.

pero… may tinatago pala siyang sikreto noong bata pa siya.

PSYCHO siya!

ibaik natin ang panahong 1995 (ata)

setting: sa bahay namin sa Pasay. sa kuwarto

oras: ang tagal na noon. di ko na maalala.

takot na takot kami kapag sumasapit na ang alas-sais ng gabi. yun na kasi ang oras na dumarating si Tatay galing sa trabaho. aborido kasi siya madalas. palaging galit.

noon pa naman yun. ngayon magiliw na siya at mas madaling kausap.

noon kasi, kapag uuwi siya, lagi niyang tinitingnan ang mga sulok kung madumi. dapat kasi malinis yun.

kung hindi, nagiging green siya at lumalaki ang katawan tapos napupunit yung damit niya! parang incredible hulk hogan! ganun!

lumipas ang isang oras. mapayapa naman. walang bungangaan portion. *hay… salamat.*

pero naging maiksi lang ang panahon na iyon. mamaya tinawag niya na kami ng mga kapatid ko.

____________, cha, pao, ker…

grabe ang resonance. parang galing sa banga! ano na naman kaya yon?

tatay: bakit may butas ang kurtina? at mukhang sinunog ito! sinong may gawa nito?

dahil sa sobrang takot, walang nagsasalita sa amin. at konti lang, nagtaas ng kamay yung kapatid ko. si cha.

cha: AKO PO.

Tatay: bakit? bakit mo ‘to ginawa?

cha: kasi po… kasi po… (wala pa ngang ginagawa si Tatay umiiyak na siya.)

nang parang mang-aamba na ang Tatay ko na mukhang mamamalo na naman….

cha: kasi po…


… WALA AKONG MAGAWA.


NGYEEEE!!!!

para kaming nasa AngTV. haynako.

kung ako rin kaya walang magawa. sunugin ko yung bahay ng kapitbahay namin?

_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

naaalala ko rin nung kinder pa yung mga kapatid ko.

di ba may subject tayo na WRITING? yung isusulat mo yung letter..

halimbawa: A.

paulit-ulit, tapos may grade na umiikot sa: VERY GOOD, GOOD, FAIR. tapos may STAR kapag super ganda yung gawa mo.

hindi ko na maalala kung sino kay cha at pao ang gumawa nito:

Tatay: ‘nak, nasaan na yung notebook mo? patingin nga ng grade mo sa Writing mo.

anak: ito.

paningit: alam niyo kasi, kung pwede nang i-enrol sa School of Recto ang mga batang 5 years old… candidate na yung kapatid ko. marunong na mag-edit ng Fair at nagagawang Very Good. sa’n ka pa?

kaso, masyado namang magaling ang mata ng Tatay ko. wala ring takas.

Tatay: ano ‘to? Very GAGE?

hahahaahh!!!! ibang klase talaga yung kapatid ko. imbes na Very Good.. Very Gage yung nailagay niya.

gage talaga!

at yun… napalo siya!


+_+_+_+_+_+_+_+_+_+__+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

ako? wala nang tanong-tanong. mas magaling ako sa kanila.

ang kaya kong gawin… gayahin ang pirma ng Tatay ko.

Grade One ako nun. may DEWORMING PROGRAM ang iskwelahan ko noon taon-taon para sa mga pupils.

sobrang takot lang ako talaga sa bulate na sa sobrang takot ko sa kanila, ayoko sila ilabas sa butas ng pwet ko. SCOLECIPHOBIC (taong may phobia sa bulate) na talaga ako noon pa man. hindi ko rin alam kung bakit.

nagbigay ang principal namin ng waiver sa bawat isa sa section namin. parang ganito yung format:

dear Mr/Mrs. Elevado,

Our school is conducting a deworming program which is endorsed by the Department of Health.

(at sinundan pa nung maraming chenelyn forte… )

yes, I agree __

no, I don’t agree___

Signature of Parent: ______________________


at dahil ayoko sumama sa deworming cheverloo noon, ako na ang pumirma para sa tatay ko. at ang chinekan ko, NO, I DON’T AGREE.

sino bang baliw na magulang ang magdi-disapprove ng ganitong programa para sa anak nila lalo na at libre?

ewan ko. pero sa palagay ko, wala.

ang baliw?

eh di ako.


+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_++_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

trainee pa lang ako noon sa call center na pinasukan ko noon. nakakatawa kasi para lang talaga ko estudyante kahit na graduate na ako.

medyo malayo nga lang ang relasyon ng kuwento ko sa intro.

alam niyo kasi, nakakuwentuhan ko ang kaklase ko kanina. ito yung pag-uusap namin.


oras: 11:30 AM to 01:30 PM (TELEBABAD MODE. TAGAL NA KASI NAMING DI NAG-UUSAP)

isang segment lang ang kuwentong ito sa kabuuan ng chismax to the max naming pagtetelepono.


ako: alam mo tol, dati may co-trainee ako.( lagi ko kasi tine-text yung lalaki. ) may girlfriend siya. nagselos ata sa akin.

kaklase ko (Steph): ah.. oh… tapos?

ako: tinext ako. ang sabi sa akin, pokpok daw ako. pucha!

kaklase: Tol, ang jologs naman nung girl! (apektado yung kaklase ko, impyernes!)

ako: oo nga eh. pero alam mo, okay lang naman sana yung sinabi niya na pokpok ako. pero ang di ko matanggap, may putok daw ako? mantakin mo yun? sa sinabi niyang yun, parang yinurak-yurakan na niya ang buo kong pagkatao. yung pokpok matatanggap ko pa. pero yung may putok ako… oh God, please!

kaklase: ahahahahh!!!!

ako: ahahahhhh!!!!

aminado naman ako, mabaho paa ko. pero wala akong putok!

wala akong putok, ok? (defensive? hehehehhh…)


+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+__+

malapit na nga pala ang birthday ko. isang taon na naman ang madadagdag sa edad ko.. mennnnn!!!!!

kasabay ko magdidiwang si cha. hindi po kami kambal. pero sabay kami ng birthday.

ang gustong regalo ni cha ay P2000. nakakaloka. hindi rin naman ganoon kalaki yung sweldo ko. sa isang gastadora na katulad ko, ang laking kawalan nun sa sweldo ko.

pero okay lang naman yung. kapatid ko naman siya eh. one-time regalo ko na lang yun sa kaniya.

ang nakakatawa kasi, inutangan ko siya ng P500 kanina pagkakain namin.

at madami pang pag-uusap. pero ito ang natatawa talaga ako.

cha: hoy… malapit na birthday natin! regalo ko. yung P2000 ko!

ako: ang mahal naman! (pero um-oo naman ako nung una naming napag-usapan yun)

(humaba na ang usapin. nagtatatawa ako kasi para kaming gago. pero ang totoo, ibibigay ko naman yun.)

cha: (kumuha ng bolpen at test booklet niya) ito, bibigyan kita ng kasulatan. pirmahan mo yan.

ito ang nakasulat:

Pumapayag ako na bigyan si Chari ng P2000 sa March 6 (birthday namin) at P550 (five-six kasi magpautang!) sa March 15 (sweldo ko).


anak ng tinapay! ayun.. pumirma naman si panget!

No comments:

Post a Comment