Sunday, February 22, 2009

KUWENTONG BARBERO (POSTED JAN2007)

DISCLAIMER: ESSAY/PARAGRAPH COMPOSITION…whatever you’re thinking. bahala na kayo kung ipagpapalagay niyo na ganito ako. basta ako, SINULAT KO LANG ITO.

______________________________________________________________

-ANG PAGTATAPAT NG ISANG SINUNGALING-

kung mayroong magtatanong sa akin ng bagay na ito: SINONG NAPAKAGALING NA BARBERO ANG HINDI MARUNONG MANGGUPIT?, baka isa lang ang maisagot ko.

AKO. oo, AKO.

maaaring hindi mo makuha ang ibig kong sabihin. pero hindi ba’t pamilyar ka sa "kuwentong barbero"? ayan, maaaring makuha mo na.

ang mga barbero. sinungaling. pero alam mo, sa tingin ko, sila na ata ang pinakamagaling na tao sa buong mundo. para silang mga kakaibang taong nakakagawa ng magic! dapat mo rin siguro silang kainggitan.

kakaiba ang istilo nila. nagagawa nilang papaniwalain ang tao lalo na kung madaling utuin ang nakikinig sa kuwento nila.

lahat ng ito, kaya kong gawin! tingnan ko nga, sa mga sumusunod, alam ko, marami diyan, nagawa mo na rin.

ang isang pangyayaring hindi nangyari sa kanila, nagiging karanasan na rin nila.
ang malaki, nagiging maliit, ang maliit, nagiging malaki.
ang mayaman, nagiging mahirap. ang mahirap, sobrang yaman. sobra ring yabang.
ang hindi naman nila nagagawa, mamaya lang kakayahan na nila.
ang isinulat nila, hindi mo naman mahahanap kung saan nila isinulat.
ang binasa nila, hindi nila alam ang pamagat.
ang pinanood nila, hindi nila alam ang bida.
ang kaibigan nila,kakaway pala nila
masaya sila at ngingiti pero malungkot sila
iiyak sila. pero dahil gusto nilang umagaw ng pansin
ang galing DV, naging imported. galing ng NY.
ang itim, naging puti. ang puti, naging itim.
wala na silang masabi. pero para may masabi, marami na silang katha sa mga isip nila. bibilib ka.
ang bespren nila, sasabihin nila, kasintahan nila. kawawa naman.
ang picture nila, ibibida nila. pero forced humility naman kapag pinuri. epal lang
ang simple nilang buhay. bukas makalawa, pang-MMK na.
napakayaman nila sa… BOKA…bularyo
ang hindi nila alam, mamaya lang alam na nila. yung mga linyang ito: "oo nga, oo nga…ganun nga yon! hindi ko lang naisip agad."
"wala yan sa lolo ko"
ang pagkatalo nila, bigla na lang mamaya, "may premyo ako!"
ang bulaklak na galing raw sa isang tagahanga, TANGAHANGA lang pala.
ang binili niya, sasabihin niya bigay.
ang hindi kanya, nagiging pag-aari na niya.
wala namang babayaran, pero mamaya isa na iyong bayarin na dapat may nakalaang salapi… ahora mismo!
sa RECTO? suki!
ang saya-saya. ang buhay nila, maraming kulay.

pero isa lang rin naman ang kababagsakan niyan. lahat ay HINDI TOTOO.

marami pa. marami pang iba. hindi ko na lang maalala yung iba.

sandali ah? kung sakaling nababasa mo ito ngayon, maniniwala ka ba sa sinabi kong ito? paano kung kasinungalingan rin lang lahat ito?

alam mo bang gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyan? ang galing no?

BARBERO AKO EH.

No comments:

Post a Comment