Sunday, February 22, 2009

HINDI ITO LOVE STORY (POSTED: FEB 3 2009)

malapit na pala mag- Valentines no? May mga ka-date na ba kayo?

ako? huh!

siyempre wala. date ko lang sarili ko.

————————————————————
Hindi ko na mabilang kung ilang beses at ilang oras ko siyang hinihintay na dumungaw sa bintana nila. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginagawa. Basta ang alam ko masaya ako pag nakikita ko siya.

Bagong gising, magulo ang buhok, at malamang ang hininga niya amoy nabubulok na basura (ano pa bang aasahan mo sa taong kababangon lang sa kabaong… este, higaan pala! hahaha!) , wala sa sarili, humihikab-hikab at nag-iinat. Pero para sa akin, siya na yata ang pinakamagandang tanawin na makikita ko sa araw-araw.

Palagi ko rin siyang nakakasabay pumasok sa eskwela. Lagi nga siyang late. Bakit ko alam? Kasusunod ko sa kanya, hindi ko na namamalayan ang oras.Nag-iingat talaga ako dahil baka mahalata niya na sinusundan ko siya.

Tago sa poste, hulog sa manhole, ipit ang daliri sa paa ng gulong ng pedicab na nagdaraan sa lugar namin, muntikang mabangga ng tricycle, napagkamalang basura na itatapon na ng SB Garbage Truck… ewan ko. Kahit ganoon ang sinasapit ko kasusunod sa kanya, hindi ako nagsasawa.
“Magandang umaga! Sabay na tayong pumasok! Akalain mong magkapitbahay pala tayo! KAmi yung may ari ng tindahan ng banana que na nakikipwesto kina Aling Tekla!”

Maski yan hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nahihiya ako. Gusto ko sanang magpakilala at makipagkamay para maging kaibigan niya ako. Pero masungit siya. Parang ang suplado niya at parang ang hirap i-approach. Intimidated ba? Ganun ang nararamadaman ko kaya hindi ako makalapit sa kanya.

———–

Ang ganda ng buhok niya. Ang totoo, bawal sa eskwelahan namin ang mahaba ang buhok pero parang kahit ang dean naming bading ayaw yatang mawala ang kagwapuhan niya kaya hinahayaan lang niya yun. pwede niya nang kalabanin ang babae sa Balete Drive! Pwede na nga rin niyang palitan si Nicole na magmodel sa shampoo! Maayos naman siya sa katawan eh. Hindi naman laging nakalugay ang kanyang buhok kaya ayos lang.

AKo? wala. tingin lang. yun lang naman ang kaya kong gawin eh. Hindi ka rin maniniwalang magkaklase kami. Alam niya ang pangalan ko. Minsan ko na rin siyang nakakagrupo sa mga school activities pero hanggang doon na lang yun. Hindi kami close.

Kung tutuusin, pwede na siyang magtayo ng fans club! Parang ganito:
“L-O-V-E RUKAWA… RUKAWA…”

at ako ang president.

halos lahat din ng babae sa school crush siya. para na nga kaming nasa Japan. Tuwing Valentines, ang dami niyang chocolates. Gusto ko nga rin siyang sanang bigyan kaso talagang nahihiya ako. at saka banana que lang ang kaya ng aking bujey.

———–

“Ang bango niya talaga…”

PE class namin noon. Basketball. Hindi ako mahilig sa sports pero nang malaman ko na magkagrupo kami, tuwang-tuwa ako! wala nang basketball-basketball. Makakasama ko na siya.
“O, guys! Masaya ako at ayo ang magkakasama. Alam ko yung iba sa inyo hindi mahilig sa basketball. kung gusto niyo, tuturuan ko yung iba sa inyo after ng klase natin. Kung gusto niyo lang naman.”
ang bait niya talaga. kahit hanggang bahay pa namin okAY lang at mag-basketball kami nang kaming dalawa lang. ahhhhhhhhh!!!

———-
Uwian na! eto na ang basketball lessons! naku! ang saya-saya ko talaga.

Pagod!

Limahan daw. ano kaya yun? siguro sampu kasi kami. lima bawat team.

“o, pass!”

tulala ako. ipinasa niya sa akin ang bola. magkakampi nga pala kami.

“sige okay lang yan, gawin mo ang sa tingin mo na hindi magpapatalo sa atin!”
“talaga?”

bago ko pa mapatalbog ang bola sa court, naagaw na sa akin ang bola.

lumapit siya.

“sige, okay lang yan. go!”

tinapik niya ako sa balikat sabay akbay sa akin.

“sa akin mo lang ipapasa ang bola ha?”

kahit pa sarili ko ibibgay ko sayo, pati puso ko’t kaluluwa.

pero sa huli, talo kami.

————

“tara! sabay na tayong umuwi!”

sumigaw siya mula sa malayo. inaayos ko ang mga gamit ko. at sumama ako sa kanya nang buong-buo. sabay suyod sa mahaba kong hair. ahahahah! taob sa akin ang mga echuserang chicas dahil sabay kaming uuwi ng honey-lemon-toyo-mansi-baby-sugar-bootylicious classmate ko.

———–

“magkapitbahay pala tayo pare! hindi ka kasi masyadong naglalalabas kaya hindi ko alam. sa inyo ba yung banana que-han?”

“oo. kami ng nanay ko yung nagtitinda dun. hindi naman kita makausap nun kahit nakikita na kita kasi nahihiya ako sa iyo.”

“nahihiya ka sa aKIN? bakit naman?”

kasi..

akala ko suplado ka. at hindi mo type ang kagandahan ko kaya hindi…

“tol!”

muntik na akong mahagip ng kotse. pero nakita ko na lang ang sarili ko na nasa mga bisig niya, magkalapit ang mga mukha namin at nakatitig siya sa akin nang mata-sa-mata.

“ano ka ba? mag-ingat ka naman. para kang wala sa sarili mo.. blah-blah-blah-blah…”
pinapagalitan niya ako pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko…
IM FEELING ALL SUPERHUMAN YOU DID THAT TO ME, SUPER HUMAN ALL DAY WITH ME NOW, THEY CANT STOP ME HERE WITH YOU… OOOHH.. SUPERHUMAN…

feeling ko ako si keri hilson na may 5 inches na takong sa school shoes ko.

“naku tol, pasensya ka na. madami lang akong iniisip.”

“hindi ka ba nasaktan?”

“siyempre hindi. niligtas mo yata ako. para naman masuklian ko ang kabutihan mo sa akin ngayong araw na ito, gusto mo doon ka muna sa bahay namin magmeryenda. masarap ang banana que namin. malilimutan mo ang pagkalalaki mo, ay ang ibig kong sabihn, ang pamilya mo… ay mali… ”

akala ko hindi siya nakikinig. pero tawa siya nang tawa.

“palabiro ka talaga bro! akala ko weirdo ka eh. okay ka pala.”

at doon nga sa bahay namin, pinakain ko siya ng banana que namin. mukha namang nasarapan siya. ang dami niyang nakain eh. saka nag-uwi pa siya ng “sa malamig” na gawa ko para sa kanya. (author’s note: ung valentines’s ko sa malamig din… wala lang, epal lang!) tuwang-tuwa rin ang nanay ko dahil sa wakas nakapagdala ako ng lalaki, este…kaibigan sa amin.
“aling Pasing, salamat po sa meryenda. ang dami kong nakain. uuwi na ho ako. saka ho itong inumin, nag-take home na ako. ang sarap po talaga.”

“naku walang anuman hijo. sige mag-iingat ka.”

“tol! salamat dito. punta tayo sa video-han bukas. wala naman tayong pasok. tekken tayo!”

“o sige dude! kahit anong tekken pa yan! anak ka ng tekken! ingat ka.”

——————-

iniisip ko tuwing lalabas kami, date yun. madalas nga noon, siya nagbabayad kaya pakiramdam ko, kaya kong talbugan ang kachenesan ni BB Gandanghari.

pero hindi naman eh. kumbaga, magkaibigan lang kami na magkasama. ganun lang talaga. ako lang, hindi mapakali dahil sa tuwing aakbayan niya ako iba ang nararamdaman ko.

naging close naman kami. bigla lang.

sa school, madalas kami ang magkasama pag lunch. sa labas, mahilig kami maglaro sa video-han ng mga arcade games at baril-barilan.

—————–
“pre, alam mo nalulungkot ako.”
“bakit naman?”

“binasted ako ng nililigawan ko. akala ko gusto niya rin ako yun pala hindi. umasa lang pala ako sa wala. lagi ko pa naman siya hinahatid, dinadala ko yung mga gamit niya, lalo na yung bag niyang mabigat. minsan halos pagsilbihan ko na siya hindi naman pala niya ako gusto.”

aba! ang echuserang iyon! hindi natin siya bati! nakakapanginig siya ng nerves! at nakapangsisikip siya ng rib cage a!

“hay pare, parte ng buhay yan. hindi naman lahat ng tao gusto ka, pero tandaan mo rin na hindi rin lahat ayaw sa iyo. ako, gusto nga kita eh. kaya lang ikaw, wala ka namang gusto sa akin.”

“ano? anong sabi mo?”

“ah.. wala.”

“hindi. sabi mo may gusto ka sa akin?”

ungas pala ito! narinig na nga niya nagtatanong pa! ampness talaga.

“hindi naman pwede di ba? kaya masaya na ako na kaibigan kita. at saka alam ko na walang patutunguhan kung magiging tayo. tama na ito sa akin. masaya na ako. saka pareho kaya tayong lalaki.”

“bakit, porke ba’t parehong lalaki, hindi na pwede?”

“bakit? ako ba at ikaw? pwede?”

“bakit naman hindi?”

“ha? seryoso ka?”

ang mga mata niya. parang kumikinang. palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. ang mga kamay niya, hinihila ako palapit sa kaniya, parang yayakapin ako. haplos ko ang mahaba niyang buhok.

“teka, ano… kasi.. hindi naman…”

bigla siyang pumikit. pumikit na rin ako. hindi ko na napigilan. alam kong hahalikan niya na ako. hindi na ako nagpakipot. kaming dalawa lang. moment na ito!

gusto ko nang pakawalan ang kabaklaang nananalaytay sa aking dugo, at isigaw sa buong mundo na mahal ko ang taong ito. at mahal din ako nito.

kumakabog-kabog na ang dibdib ko. hayan na! hayan na!
ZATURNAH!

wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! lindol!!!

“ANTONIO!!! LATE KA NA! BUMANGON KA NA DIYAN! ANO KA BA? PAPASOK KA BA? LUNES NA LUNES KATAMARAN NA NAMAN YANG PAIIRALIN MO. ALAS-SAIS NA NG UMAGA!…”
“oo na mother, kailangan bang sumigaw? kailangan ba nating magalit? dapat bang lumalabas ang tonsils natin kasisigaw at magstenosis ang aorta mo sa altapresyon at istorbohin ang buong neighborhood at…?”

“hehhhh! hindi naman anak, ayoko lang na sabihin nilang makupad ang anak kong prinsesa ng kagandahan. gusto ko sa lahat ng bakla, ikaw ang matino.”

“okay mother, please prepare my bubble bath.”

“ulol! Baka yang bibig mo ang lagyan ko ng bubbles! maligo ka na nga.” nakangiting sagot ng everloving na nanay ko sa akin AT binatukan niya ako ng tabo. actually, siya lang ang nakakaalam na bading ako. at saka kayo. ang sweet-sweet niya talaga.
nagising na ako sa napakagandang panaginip.

umaga na nga pala. binuksan ko na ang bintana ng kuwarto ko para pasukin ng sinag ng araw.

hayun siya, nagsusuklay. kitang-kita siya sa bintana. bukas ang butones polo niya na may sando sa loob. ang kagwapuhan niyang iyon. kailanman hindi magiging akin. hanggang dito na lang ako. pasilip-silip sa kanya habang umiikot ang aking sinapupunan. hahahah! habambuhay na umaasang sana maging akin siya… ahhhh!!
“Uy! sabay na tayong pumasok. bilisan mo hihintayin kita sa baba. papasok na rin ako eh. dalian mo a! Kanina mo pa ako pinagnanasaan ah? JOke lang pare! hintayin kita.” pabirong sigaw niya sa akin nang makita niya akong tumitingin sa kaniya.

“mukha mo! mas guwapo pa ako sa iyo eh! hahhahah!” ang plastic ng sagot ko.

“haha! sige dalian mo na!”

hay bakla! ang saya-saya ko! sabay na naman kaming papasok.

AH, by the way, siya nga pala si Mark.
Kainis maging pa-mint! Pero ganun talaga, sino naman kasing nagsabi na love story ‘to?
HAPPY VALENTINES SA INYONG LAHAT!





(ps: wala ba kayong nahahalata?)

No comments:

Post a Comment