Sunday, February 22, 2009

MOOD SWINGS (POSTED: JAN2009)

INTRO:

junkpost ang password ng blog entry na nauna dito.

sinubukan ko lang yung password feature… ayan, wala tuloy halos comments. heheheh… anyways…

THANKS.

at ang entry ko ngayon, hindi siya tula. ewan lang.

————————————————————

minsan pinipilit ko naman maging “da best”,

o sinisikap maging kakaiba

pero bakit wala pa ring nangyayari?

naghahanap ng inspirasyon,

pero walang makita,

pwede namang yung sarili ko na lang pero bakit parang wala lang rin?

gustong mag-emote pero di naman kailangan umiyak,

may patay ba?

wala naman di ba?

ang igi-iging mag-isip sa buong maghapon

hanggang makatulog na at gigising kinabukasan…

…ng tanghali, hay!

maghahanap ng paglilibangan pang-alis purisaw

maglakad-lakad sa park o kaya pumunta sa lugar na hindi ko pa nararating,

pero pag-uwi, parang mas lalo pa akong napagod.

minsan ginusto ko umalis nang mag-isa,

pero habang nasa daan ang lungkot naman ng paligid.

uwi ako ulit. hanap ng kasama!

minsan ginusto ko rin na maging pinakamatinong kausap ng lahat

pero para lang may masabi

nagmumukha tuloy akong gago

at mababanas lang sa akin ang kausap ko.

ayun! blag! binagsakan na ako ng telepono.

gusto ko ring mapansin ng crush ko

kung ano-anong ka-epalan ang ginawa ko.

ayun! wala na siya.

gusto ko ring maging maganda at maayos

nagbibihis naman ako

nagkokolorete rin

pero sa kinahapunan natatanggal din ang make-up ko

at balik sa mundo ng kadugyutan.

wala naman talaga akong problema

pero gusto kong uminom

pagkatapos ng 3 bote ng RH

wala… pakiramdam ko wala akong kwenta pagkatapos kong mahimasmasan. kunwari, lasing ako.

nagususulat na lang din minsan para mailabas ang nararamdaman ko

pero hindi pa ito todo eh.

ginusto ko umakyat sa bundok

at pagdating sa tuktok, sisigaw ako: PUTANG INA NIYONG LAHAT!

pero wala pa ko sa 1/4 galing sa paa ng bundok, pagod na ko.

POTA NAMAN KASE! ANG BIGAT KO.

GLAIZA VS. GRAVITY

I surrender.

gusto ko rin sana magbasa

pero first page pa lang tirik na mata ko.

antok na.

minsan pakiramdam ko ang dami kong kaibigan

pero ngayon parang ayoko silang makita

kasi parang wala na akong ipagmamalaki.

alam kong okay lang sa kanila pero sa akin hindi.

naghanap ako ng pagkakaabalahan

commitment daw?

pero 2nd week pa lang may absent na akong isa

late pa ko lagi ng isang oras.

ako unrealistic?

hindi ko alam

pero gusto kong makalipad at maging invisible.

bihira ako tumaya sa lotto

pero sa araw na tumaya ako

mega-asa naman na mananalo ako.

pero maski isang numero wala akong tinamaan.

kahit rambolito pinapatos ko.

pero sa kabila ng lahat ng ito

mayroon lang akong laging isinasaksak sa isip ko.

MAGANDA AKO! at MAGANDA TAYONG LAHAT!

sapat na yan para ngumiti ako.





(siguro magkakaroon na ako?)

No comments:

Post a Comment