Sunday, February 22, 2009

LOOKING FOR MY LONG LOST FRIENDS (POSTED: AUG2008)

baon ang isang pakete ng DIP SEA (branded na fish cracker) na nabili ko malapit sa gusali ng aming opisina, naglakad na ako pauwi at napadaan ako sa isang tindahan ng mga appliances. lahat dun meron sila. TV, air-con, refrigerator, washing machine at siyempre pa, ang stereo.

napakalakas ng tugtog noon. talagang agaw atensyon sa lahat ng dumadaan dahil nag-iisang appliance store lang naman sila dun. nasa tabi sila ng EVER Commonwelath.

HIndi ako nagpo-promote no?

natawa lang kasi ako dahil may narinig akong nakakatawang at nakaka-relax din namang pakinggan na mga tugtuging HIP-HOP.

habang naglalakakad ako at kumakain, pinakikinggan ko ang kanta. sumasabay ako. palibhasa wala naman akong kasunod na naglalakad kaya ang lakas ng boses ko. feeling ko gumagawa ako ng MTV sa daanan.

ewan ko. nakakaloka lang talaga. super sabay ako dahil kahit papaano nahahabol ng utak ko ang lyrics nang mahintuan ako. iba. iba yung salita.

TAGALOG? BISAYA BA? teka. teka.

pero hindi eh… LOW (kanta ni FLO-RIDA) yun.

tumigil ako at tumambay ng konti dun sa appliance store.

oo nga. low yung tugtog pero eto yung lyrics:

Adtong ni aging gabiee
Gi invite me og birthday (og brthday)
Sa party dghanang butiti (butiti)
Wa me balow (wa me balow)
D I kad2 mka hillo low low low……



di ko rin alam kung anong ibig sabihin pero tawa ako nang tawa. hindi naman dahil katawa-tawa iyon sa masamang paraan. para lang kasing kakaiba.

kung kasing manhid ka ng naturukan ng anesthesia, malamang walang dating sa iyo yun.
—————————————————————————————————–

di ko rin alam kung gaano ka-talentado ang mga bata ngayon. ang bilis mag-rap. as in. kahit may mura, walang preno. sige-sige lang. kahit hindi nila naiintindihan ang kanta at lumulobo na yung mga sipon nila, go lang nang go.

may mga kantang pang-siga. ewan ko kung sinong nakaimbento ng kantang yun. yung iba, sayaw lang. at ang nakakagulat, alam ng mga bata ang kantang tumatalakay sa pag-ibig at mga pangangaliwa. grabe na to!

may mga grupo kasi ng mga bata-batuta sa tabi ng bahay namin na naririnig kong kumakanta and they are blasting their rhymes.



"Kay sakit naman isipin na sa puso mo ako’y pangalawa
sa tuwing makikita
kitang kasama siya pinipikit ko aking mga mata at sa gabing kasama mo
siya
halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila
nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay haggang sumapit ang umaga
ng muli kang makasama.

…and so on and so forth…

at akalain mong umentra naman ang babaeng bata na ito ang linya niya:

"Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa
sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng
mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay
makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya"

uyy.. gagawin niyang shoutout sa friendster… hahahah!

nakakalurkey talaga ang mga bata. panalo. alam na nilang gumawa ng singing and rap group.

upgraded na ang pagro-role playing ng mga bata ngayon.

dati, lutu-lutuan at bahay-bahayan lang ang alam nila. o kaya teacher-teacher-an…



sali niyo na sa Wowowee!!!

—————————————————————————————————–

hindi naman yan ang kuwento ko ngayon.

—————————————————————————————————–



minsan, gumawa ako ng isa pang friendster profile dahil dini-delete ng iba kong mga kaklase yung profile ko kasi naging fan profile na nga. hindi sila pumayag na maging fan ko.. ahahah!! sabagay hindi naman sila mahilig magbasa ng blog ko at nadamay lang sila sa conversion ng profile ko.

anyways, ibang klase din. nagsimula ako ng panibago pero hindi na naging mahirap sa akin na hanapin ang mga friends ko dahil ma-network naman ang friendster.

pero ang talagang hinanap ko ay yung mga kaklase ko noong highschool at college.

ilang taon na rin yun nung huli kaming magkita.

napakarami nang nagbago sa kanila. sa akin, ewan ko. meron ba? wala yata. heheheh!!!

tawa ako nang tawa kasi kung ano-ano ang nasasabi ko. hinanap ko sila by name. kahit 1 of 35 ang results na nakikita ko, sige pa rin ako. ewan ko rin kung anong pumasok sa ulo ko nun at naghahanap ako ng mga long lost friends ko.

tulad na lang nito:

"dati-rati lang nung highschool kami, ang tahi-tahimik nito. as in mas maingay pa sa kanya ang mayang tiririt, ngayon rocker na at may banda pa!"

"noon, lagi lang siyang pinapagalitan ng teacher namin kasi lagi siyang walang assignment, ngayon English teacher na siya sa mga Korean students! taray!"

"noon lang hinahabol-habol ko to kasi sobrang crush ko siya, pero bakit ngayon mukhang nag-crash? wahhhh!!! na-stress?"

"dati lang ang likod niya at harap walang pinagkaiba ngayon, may dibdib na siya! huwaw!"

"parang baby-baby lang ang mukha nito dati, ngayon may baby na siya. kainggit!"

"noon ang taba-taba niya, ngayon sexy na! saan ko kaya to matatagpuan nang sumama naman ako sa kanya!"

"ito ang super talino noon sa klase namin, ngayon, mas big time pa! Kyemelyn School of Chorvaloo in the Far Away Country taking Bachelor of Eklavoo Major in Chuvaness! "

"Hahahaha!!! Nag-Nursing din pala si gago!"

"Sino na nga ba ito? Kilala ko ito eh… "

"Ah!!! NAging sila? Eh dati parang aso sila ah! Ngayon tao na! hahah!! Joke lang! nainggit lang ako.. "

"Dati super ganda nito ah.. bat ngayon yung pimple niya parang tinubuan ng mukha?"

"Dati ito ung may crush sa’kin na hindi ko pinapansin kasi scholar pa ako nun. Ngayon may asawa’t anak na siya. HUHUHUH!!!"

"ayy… ang guwapo niya pa rin… "

"dati negra to ah! Ba’t ngayon ang balat niya, sa sobrang puti, siya na ang second place pagkatapos ng bond paper!"

"oi… celebrity na siya!!!dati unpopular siya sa school namin. pero nung sumali siya sa TV Show na "Chorvahan Na!!" ayan, sikat na siya ngayon. Maalala pa kaya ako nito?"

"NAKANANG! soldier! pa-burger ka naman!"

"pucha! paano siya tumangkad ng ganun? dati hanggang balikat ko lang siya eh.."

"babae ba siya o lalaki? Alam ko sir ang tawag namin sa kaniya noon sa CAT? bat may boobs na siya? "

"ui… nasa States!!! "

"Private profile? feeling maganda pa rin talaga hanggang ngayon!"

"tagal na nila.. sila pa rin!"

"teka ito yung nambu-bully sa akin dati ah… ano nangyari sa kanya? NAgkasakit ba siya? Siguro na-karma… Belat!"

"Eto yung nagnakaw ng libro ko dati saka calculator ko nung pirmahan ng clearance sa Geometry. Ang kapal! Nasa public pictures niya pa ang mga gamit ko! Grabe!"

"Aysus! Behbeh koh 45.76 I love you so much forever…happy monthsary… daysary… hoursary.. exaj!!!! hiningal ako sa "H" ah!"

"PLEASE ADD ME.. anuver? "

"ahhahah!! CALL CENTER HOPPING? dinaig pa ako!"

"fourth year… college… huminto ba siya? O nagtrabaho muna? "

"ay iba na to ah… 2nd year college kami nun, 2nd year pa rin siya… "

"bum."


pero alam niyo, hindi maikakailang ang dami na ngang nagbago. ako, mataba na ako dati. at tumataba pa. ahahah!!!

talagang parang pagkatapos ng eskuwela, nandiyan pa rin ang pagkakaibigan pero hindi rin maitatago na nagkaniya-kaniya na rin.

dati, sabi sa akin ni Chorvah nang matapos kami ng high school, sabay daw kami mag-enroll sa kolehiyo.. ek-ek.. pero nawala na siya.

Reunion daw… ewan. di na rin kami nagkakatagpo. Nasaan na kaya sila?

Ikaw, nami-miss mo ba yung mga kaklase mo dati? Nung elementary ka? HighSchool, College? O yung mga batchmates mo?

FRIENDS FOREVER….

No comments:

Post a Comment