Sunday, February 22, 2009

A DAY WITH HIM (POSTED: MAR2008)

wala na akong pakialam kung konti o walang magbasa nito. pero talagang hindi ko na mapigil ang ga daliri ko na mag-type sa aking keyboard. masamang-masama ang loob ko.

masaya. dahil kasama ko ang taong gusto ko at na-solo ko siya sa halos kalahati ng aking araw. pero hindi tayo magpo-focus sa istorya ng aming pagsasaya. dahil may isa akong aral na natutunan ngayong gabing ito.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_

matapos namin manood ng sine, nagpunta kami sa isang sosyal na kainan. nakakatuwa dahil pakiramdam ko para kaming nagde-date (pero kaibigan ko lang siya eh). Pumasok na kami roon, umupon sa isang pwesto at um-order na.

masaya naman ang aming kuwentuhan (sana lang nga masaya talaga siya.) pero pagkatapos naming kumain (actually ako ang nanlibre. tama na ang excuses. hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko. hindi na rin naman masama na ilibre ko ang crush-slash-friend-slash-ewan ko kung ano nga ba kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang pinagsasasabi ko-pakingsyet!)

seryoso na.

palabas na kami ng restaurant nang pumukaw sa akin ang tingin ng ilang kabataan na nasa tapat ( o mas tamang katabi) ng aming mesa. iba ang kanilang tingin. tila mapanghusga. hindi tila. alam ko. ang mga matang iyon. may bahid ng pagtataka at panlalait na rin. (aaminin ko po, ang inyong lingkod ay maganda naman. hindi nga lang sexy samantalang ang aking kasama ay guwapo at mukhang rakista. pag pinagsama mo, ang sama nga naman ng kombinasyon. parang kame-hame wave na may kasamang rasengan na ang tumira ay si Odette Khan.)

seryoso na talaga.

noon, kapag nakakakita rin ako ng bading na magsyota, tomboy na mag-asawa, zorayda-plus-piolo pascual-combination, tumitingin din ako. hindi na ako magpapaka-plastik. ako rin. minsan ding naging mapanghusga.

patawad.

alam ko na ngayon ang pakiramdam na naidulot ko sa kanila. masakit pala. hindi ko maintindihan.

hindi ako naging lubos na masaya ngayong gabi. bagaman nagkasama nga kami ng aking crush-slash-friend-slash-ewan ko kung ano nga ba kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang pinagsasasabi ko-pakingsyet! (reiterated talaga! hahahah!!), talagang nasa dibdib ko pa rin ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

hindi na ako uulit.

ang mahalagang aral lang naman na natunan ko ngayon…


*isa rin pala ako sa mga taong kumakalaban sa sarili ko para maging masaya. hindi ko na papayagang maramdaman ko muli ito.

*isa rin pala ako sa mga taong dumadagdag sa diskriminasyon sa ating bansa. masamang factor pala ako sa ecosystem ng Pilipinas. Pres. GMA, patawarin niyo po ako. hindi na po ako uulit.

*sa mga taong minsan kong nabigyan ng pakiramdam na nararamdaman ko ngayon, patawarin niyo ako. hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. masama pala talaga iyon.


hindi ako mangangako.

pero hindi na ako uulit.


o ikaw, (oo ikaw nga!) pagalitan mo nga ako!

No comments:

Post a Comment