Sunday, February 22, 2009

KUYA HUWAG PO (POSTED: FEB 18 2009)

CHAPTER 1: KUYA HUWAG PO!

nang minsan galing ako sa duty, inaya ako ng isang kasamahan na sabay na kami pauwi. pareho naman kami ng daan kaya pumayag ako. ALAS SIYETE NA NG GABI.

pero… gusto niya sumakay sa bus!

hindi ako mahilig mag-bus. sobrang hilo ko kasi at standing ovation lagi pag puno na. nasusuka ako pag sumasakay ako doon. (no offense sa mga bus fanatics. mabilis naman ang biyahe kung sa bus ka sasakay. ako lang talaga hindi mapalagay eh.)

ang paborito at sinasamba kong sasakyan ay JEEP! kung kayang i-jeep ang mula sa bahay namin hanggang Baguio, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. sa jeep, walang standing ovation. may mga sabit nga lang.

pero halos 30 minutes na kami naghihintay ng jeep na masasakyan.

ahhmm… teka. gusto ko ng jeep… na maluwag. ayoko ng masikip. nakakaawa ang mga katabi ko e.

well, anyway, wala eh. hinayaan ko na lang. alangan namang mag-antay kami ng 1 oras. so yun. eto na ang adventure.

“fairview… fairview… fairview…” sigaw ng barker ng bus.

“fairview?” sabi ko. parang unggoy lang.

sumakay kami pero bakit habang umaakyat kami ng hagdan umaandar na. doon ako takot talaga.

“echusera ka. ayoko dito.” sabay tapik ko sa kasama ko habang ako ay takot na takot na feeling ko mahuhulog ako sa bus.

(habang standing ovation kami, medyo naririnig ko na binibiro aKO NG mga ibang tao sa bus. malaki kasi ako. pero sabi nga ng kasama ko, hindi na naman nila ako pag-uusapan sa bahay so hinayaan ko na lang.)

“miss dito ka na.” sambit ng isang mama.

tumabi ako sa kanya at ang kasama kong echusera, nakahanap na rin ng upuan pero hindi kami tabi.

habang nakatingin ako sa bintana, hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ng katabi ko. tiningnan niya muna ako. mula ulo… hanggang bilbil… hanggang paa.

“okay lang yan… cute ka naman eh.” sabay ngiti sa niya sa akin.

“hehehe.. talaga po?” sagot ko naman na mukhang tanga na may malaking teardrop sa likod ng ulo ko.

“saan ka bababa?” tanong ni Manong.

“sa Don Antonio po. eh kayo po?” para may masabi lang.

“bago sa’yo.”

tumigil kami saglit. pumara na ang kaibigan ko sa Balara. nagpaalam na siya sa akin.

“sige Glai. una na ‘ko.” at umalis siya nang natatawa sa akin.

at tinuloy ng mama ang pagsasasalita niya.

“ahmmm… pwede bang dumalaw sa inyo?”

dalaw? ano ka, regla?

hindi ako sumagot. kasi hiyang-hiya ako sa mama.

“may magagalit ba kung dadalaw ako sa inyo?” kulit niya!

“meron po.”

“sino?”

“ako po!” at pumara na ako.

wahahahaha!

(natawa na lang ako sa sagot ko. may part 2 pa to pero hindi siya nakakatuwa.)

——————————————————–

CHAPTER 2: ULAM

SA LUMA NAMING TIRAHAN… matagal na yun.

hindi naman kami nasa squatters area pero dikit-dikit ang mga bahay sa compound namin. may mga kapitbahay na halo-halo. mabait, magalang, chismosa, pala-away na talsik-laway, nanghihinguto ng kuto nang may kuto, maingay, plastik… lahat naroon na.

pero may namumukod tangi kaming kapitbahay na hindi naman mahirap. pero tamad magluto. palibhasa alam niya na may mga mabait siyang kapitbahay na handang tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

tok tok tok! ayun kumakatok na siya.

ang hobby niya: MANGHINGI NG ULAM. hindi lang sa akin kundi sa iba rin.

“ui, baka naman may natira pa kayong ulam. penge naman?” at dala-dala niya ang mini caldero niya.

“ah o sige. walang problema. kaso di rin ako nakapaghanda. ginisang gulay lang ito.”

“okay lang. thank you.”

parang 3 times a week yun manghingi ng ulam. ewan ko ba.

“o eto.” at inabot ko na ang ininit na ginisang repolyo.

“sige, salamat ah!” paalis na siya ng tinawag ko siya uli. hihirit lang ako.

“teka, eh ikaw, may natira ka pa ba?”

“natirang ano?”

“kahihiyan…”

(masama ba ugali ko? makain niya pa kaya yun?)

——————————————————–

CHAPTER 3: KAGE BUNSHIN TECHNIQUE!

“sikat ka na nga eh.” sabi sa akin ng ka-chat ko.

“hindi naman.” forced humility. hahaha!

pero di ko akalain na pwede na rin namang i-consider. sabagay may nag-aabang na rin naman ng mga sinusulat ko.

pero may iba pala na kumokopya ng mga sinulat ko. hala!

clones ko daw. kaya naisip ko:

KAGE BUNSHIN TECHNIQUE!

okay lang. sige, mangopya kayo. pero:

ANG MANGOPYA NG BLOG, PANGET. hahahaha!

maniwala tanga. (ano ba yun?)

ang endpoint, okay lang sa akin yun. nung college din naman ako nangunguha lang din ako sa mga sites pangsagot sa assignment ko. may reference nga lang.

—> salamat sa mga nag-abalang hanapin ang mga taong ito. di natin sila bati. di ko kasi gaano maprotektahan ang blog ko. pero kung may credits naman okay lang. walang problema.

——————————————————–

CHAPTER 4: ANONG PINAG-UUSAPAN NIYO?

alam niyo ba yung sitwasyong sa himbing ng tulog niyo, kapag may naririnig kayo sa paligid, napapanaginipan niyo? pero hindi ka naman talaga nananaginip pero dahil naririnig mo lahat? (kung hindi mo maintindihan, magpost lang ng message sa MESSAGE BOARD at ie-explain ko. o kaya PM sa YM.)

natutulog ako noon nang sa panaginip ko, may nagtatanong, “BAKIT MO AKO LOVE?”

akala ko panaginip talaga. yun pala ay yung kuya ko at girlfriend niya na nagpapalitan ng sweet nothings sa telepono.

nagising tuloy ako.

hindi ko sila maintindihan.

kasi, araw-araw naman silang magkausap.

sa bawat araw, 10 beses sila nagtatawagan.

sa bawat beses ay mahigit isang oras sila nagbabalitaktakan kung ano ang almusal nila, tanghalian, hapunan, meryenda, at midnight snack.

pero ano kayang pinag-uusapan nila talaga?

bilog ba ang mundo?

paano matulog ang kuba?

bakit pula ang kamatis?

bakit mabaho ang jebs mo pero hindi ka nasusuka; pero pag iba nakaamoy, parang mamamatay na sila?

ilang taon na kaya si Marian Rivera?

Anong tatama sa lotto?



hay… siguro kung magkaka-syota ako saka ko lang sila maiintindihan. baka nga kung ako yan, lunok-laway lang ang pahinga tapos chika uli.

paningit: ang tip ko sa blog na nauna rito ay hindi totoo. (basahin ang VALENTINE DRAMA.)

——————————————————–

CHAPTER 5: SANA BLOG NA LANG AKO.

natutuwa ako sa mga comments na ganito: I LOVE YOUR WRITINGS, I LOVE THE WAY YOU WRITE, I LOVE YOU POSTS, I LOVE READING YOUR BLOG… chenelyn, eklavoo, iskembular…

naisip ko: SANA BLOG NA LANG AKO.

(TINGNAN ANG MESSAGE BOARD. PATI AKO NALOKA SA SARILI KO.)

——————————————————–

PS: ang mga kwento sa taas ay edited na. kung gusto niyo makipagkuwetuhan, YM niyo lang ako. kukuwento ko na lang yung version na buo. THANK YOU.

VALENTINE DRAMA (POSTED: FEB 8 2009)

INTRO:

“ei! wassup?”

“k lang pu. u poh?”

“k lang dn pu. lpt na vlentyns noh?”

“ou nga e. my kd8 kn?”

“la eh. kaw poh?”

“la din e.”

“lbas na lng kmi team8s q nun.”

“wow.”

” sometimes, we want 2 know wer we stand in sum1s lyf, we want 2 knw who we r 2 dem. we want 2 seek 4 clarific82n, and yet, we R afraid to find out wat it is.. “

“aus sa kowts a. mern k p poh?”

“dami dude! gus2 mo mag-hang na inbox mo sa dami n2?”

“enge.”

“cgecge. w8s lang poh.”

and they lived happily ever after.

(unli kasi sila kaya masaya ang usapan.)
——————————————————–

Feb14. Lovapalooza, dating games, Searchee #987462826.75 looking for his Valentine for 25 years now, win a trip for 2 to HongKong, 50% off on all lingerie, 100 pesos for 3 hours quickie promo, enjoy our Horsie-horsie rooms, cakes designed for you loved one, lima bente…

*sigh*

Valentines day. ano bang meron?

Ang totoo, hindi ko rin alam. Pero nahihiwagaan ako sa panahong iyan higit pa sa Halloween. lahat kasi ng ka-dramahan lumalabas. lahat ng mga legendary lines na naririnig natin sa pelikula at teleserye nasasabi ng mga tao, lahat ng lovesongs, laos man o hindi kinakanta sa videoke.

lahat ng magkasintahan, nagtitipon sa mall, sa sinehan, sa palengke, sa park, sa zoo, sa may post office, sa city hall… basta kung saan sila welcome mag-PDA.

at ang mga SINGLe, naghihinagpis, nagdaramdam, nag-iiyakan, nagluluksa… lalo na ang mga TAKEN.

TAKEN FOR GRANTED. (syet!)

subukan mong lumabas ng Feb14. Halimbawa, invisible ka. Nag-oobserba ka lang. wala kang gagawin.

lahat ng tao, sweet.

lahat ng girls, may dalang bulaklak, chocolates, teddy bear, mga regalong naka-box at balot ng napakagandang gift wrap. (nakakapanlaway ang paperbag ng BLUE MAGIC.. huhu! )

lahat ng mag-asawa, nagre-reminisce ng kabataan nila. kung anong unang regalo nila sa isa’t-isa, kung saan sila nagkakilala…

lahat ng nagliligawan, tawa ng tawa. mamaya sila na.

lahat ng motel at hotel, fully-booked.

lahat ng park, siksikan.

lahat ng crush ng bayan, overloaded ang kotse dahil ang daming natanggap na regalo mula sa mga nagkaka-crush sa kanila.

lahat ng mall, ukay-ukay, o maging ward sa ospital, may mga nakasabit na artworks na puso para ipagdiwang ang Valentines.

sa gabi, mas alive ang mga restaurant. parang brownout. lahat candle light dinner.

pagkatapos ng isang buwan, magsasabi na lang ang nanay mo na may kasunod na kayong kapatid. naubusan kasi sila ng condom nung valentines.

maraming manonood ng pelikula ni KC at Richard. yung iba maiisip na lang na maghintay ng pelikula ni Sarah at John Lloyd.

sa Buena Bonita, buy one take one pa rin ang burger at cheeseburger.

mauupo ka na lang sa isang tabi at hindi mo mapapansin na may naghahalikan pala sa tabi mo na parehong lalaki!

masasabi mo na lang sa sarili mo, “whatever!”

(parang ako lang to ah!)

hindi ko alam kung ano rin ang pumasok sa ulo ko at naisipan kong isulat ito. para kasing angg dami ko lang naisip. tulad nito.

“girl, kumusta ka na?”

“okay lang. ikaw?”

“masaya. sino ka-date mo sa 14? ako, lalabas lang kami ni boyfriend. nonood ng sine, kakain sa labas… saka checheverloo, you know? tapos uwi na. ikaw ba?” sambit niya na napapakembot sa kilig.

“wala. wala akong ka-date. aksaya lang yan sa pagod. at saka bakit kailangan ng date? hindi ba pwede mag-valentines mag-isa? saka lahat ng magsyota diyan, sweet lang yan sa 14 pero pag 15 na break na sila, yung mga mag-asawa, balik bugbugan na uli, yung mga sweet, sour na. saka may pasok ako niyan. gabi na ako uuwi. so wala rin. saka iniwan na niya ako. lahat ng lalaki pare-pareho. tingin sa ating mga babae laruan lang. saka bakit? kung may ka-date ba ako, aalis ang recession? mabibigyan ba ng trabaho ang walang trabaho? saka dahil diyan sa mga valentine ek-ek na yan kaya dumarami lalo ang populasyon natin e. bakit mo natanong?” at magbubuntong-hininga.

namutla na lang ang kausap niya.

nakakaloka lang na ang defensive ng ilang tao pag tinanong kung may balentino na sila. (parang ako uli yan ah! huhuhu!) parang galit na galit sa mundo. daig pa sumagot ang tinatanong sa Miss Universe. lahat ng rationale, paliwanag, at kung ano-ano pang factors, masasagot nila kahit hindi mo naman tinatanong.

pero ang may sinisinta, napakasaya nila. pero hindi rin naman lahat ng single malungkot. mas masaya naman sila na single sila.

pero ano ba talaga ang essence ng valentines?

Panahon ng pag-ibig? Season ng magkasintahan? panahon ng harasan? Sumpa sa mga walang syota? o wala lang.

naaalala ko lang kasi na karamihan sa mga nakaka-chat ko sa YM, problemang pag-ibig ang aming napag-uusapan. Hindi naman kami magkakilala. Naapagkamalan ba niya akong si Joe D’mango? wala rin naman akong mapapayo kasi ako rin yun din ang problema ko.

“nalulungkot ako na wala na kami. pero gusto ko siyang balikan. pero meron na siyang iba. ano bang gagawin ko? Help me naman oh? Mahal ko pa siya. Nagsisisi ako na hindi ko siya naipaglaban man lang.”

naloka muna ako. at nag-type.

“Malay ko. Buti ka nga may ex na pino-problema, eh ako wala man lang maski ano.”

——————————————————–

OUTRO NO 1:

pero pagkatapos nga ba ng Feb14, back to normal na nga ba? Parang walang nangyari.

Is Valentine’s only an all-day thing?

Sana huwag.

—————————————————————

PATALASTAS:

nananawagan ako. kung gusto niyo ako makasama sa valentines este, kung wala kayong ka-date pwede naman ako. sasama ako kahit saan. basta pahingi ng ferrero, saka red roses saka teddy bear na galing sa blue magic. hindi ako materialistic. maarte ako pero minsan lang. saka make sure lilibre niyo ako. wag kayo mag-alala, pagsapit ng dilim, uuwi na ako. hindi ako manghaharass, promise. harmless ako. andiyan lang YM ko, message niyo lang ako. at dapat walang magagalit. ampness! hahahahah!

joke lang po. pero kung tototohanin niyo, go! susuporthan ko pa kayo!

(TIP: gamitin ang blog para magkasyota kung kinakailangan! hahaha!)

HINDI ITO LOVE STORY (POSTED: FEB 3 2009)

malapit na pala mag- Valentines no? May mga ka-date na ba kayo?

ako? huh!

siyempre wala. date ko lang sarili ko.

————————————————————
Hindi ko na mabilang kung ilang beses at ilang oras ko siyang hinihintay na dumungaw sa bintana nila. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginagawa. Basta ang alam ko masaya ako pag nakikita ko siya.

Bagong gising, magulo ang buhok, at malamang ang hininga niya amoy nabubulok na basura (ano pa bang aasahan mo sa taong kababangon lang sa kabaong… este, higaan pala! hahaha!) , wala sa sarili, humihikab-hikab at nag-iinat. Pero para sa akin, siya na yata ang pinakamagandang tanawin na makikita ko sa araw-araw.

Palagi ko rin siyang nakakasabay pumasok sa eskwela. Lagi nga siyang late. Bakit ko alam? Kasusunod ko sa kanya, hindi ko na namamalayan ang oras.Nag-iingat talaga ako dahil baka mahalata niya na sinusundan ko siya.

Tago sa poste, hulog sa manhole, ipit ang daliri sa paa ng gulong ng pedicab na nagdaraan sa lugar namin, muntikang mabangga ng tricycle, napagkamalang basura na itatapon na ng SB Garbage Truck… ewan ko. Kahit ganoon ang sinasapit ko kasusunod sa kanya, hindi ako nagsasawa.
“Magandang umaga! Sabay na tayong pumasok! Akalain mong magkapitbahay pala tayo! KAmi yung may ari ng tindahan ng banana que na nakikipwesto kina Aling Tekla!”

Maski yan hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nahihiya ako. Gusto ko sanang magpakilala at makipagkamay para maging kaibigan niya ako. Pero masungit siya. Parang ang suplado niya at parang ang hirap i-approach. Intimidated ba? Ganun ang nararamadaman ko kaya hindi ako makalapit sa kanya.

———–

Ang ganda ng buhok niya. Ang totoo, bawal sa eskwelahan namin ang mahaba ang buhok pero parang kahit ang dean naming bading ayaw yatang mawala ang kagwapuhan niya kaya hinahayaan lang niya yun. pwede niya nang kalabanin ang babae sa Balete Drive! Pwede na nga rin niyang palitan si Nicole na magmodel sa shampoo! Maayos naman siya sa katawan eh. Hindi naman laging nakalugay ang kanyang buhok kaya ayos lang.

AKo? wala. tingin lang. yun lang naman ang kaya kong gawin eh. Hindi ka rin maniniwalang magkaklase kami. Alam niya ang pangalan ko. Minsan ko na rin siyang nakakagrupo sa mga school activities pero hanggang doon na lang yun. Hindi kami close.

Kung tutuusin, pwede na siyang magtayo ng fans club! Parang ganito:
“L-O-V-E RUKAWA… RUKAWA…”

at ako ang president.

halos lahat din ng babae sa school crush siya. para na nga kaming nasa Japan. Tuwing Valentines, ang dami niyang chocolates. Gusto ko nga rin siyang sanang bigyan kaso talagang nahihiya ako. at saka banana que lang ang kaya ng aking bujey.

———–

“Ang bango niya talaga…”

PE class namin noon. Basketball. Hindi ako mahilig sa sports pero nang malaman ko na magkagrupo kami, tuwang-tuwa ako! wala nang basketball-basketball. Makakasama ko na siya.
“O, guys! Masaya ako at ayo ang magkakasama. Alam ko yung iba sa inyo hindi mahilig sa basketball. kung gusto niyo, tuturuan ko yung iba sa inyo after ng klase natin. Kung gusto niyo lang naman.”
ang bait niya talaga. kahit hanggang bahay pa namin okAY lang at mag-basketball kami nang kaming dalawa lang. ahhhhhhhhh!!!

———-
Uwian na! eto na ang basketball lessons! naku! ang saya-saya ko talaga.

Pagod!

Limahan daw. ano kaya yun? siguro sampu kasi kami. lima bawat team.

“o, pass!”

tulala ako. ipinasa niya sa akin ang bola. magkakampi nga pala kami.

“sige okay lang yan, gawin mo ang sa tingin mo na hindi magpapatalo sa atin!”
“talaga?”

bago ko pa mapatalbog ang bola sa court, naagaw na sa akin ang bola.

lumapit siya.

“sige, okay lang yan. go!”

tinapik niya ako sa balikat sabay akbay sa akin.

“sa akin mo lang ipapasa ang bola ha?”

kahit pa sarili ko ibibgay ko sayo, pati puso ko’t kaluluwa.

pero sa huli, talo kami.

————

“tara! sabay na tayong umuwi!”

sumigaw siya mula sa malayo. inaayos ko ang mga gamit ko. at sumama ako sa kanya nang buong-buo. sabay suyod sa mahaba kong hair. ahahahah! taob sa akin ang mga echuserang chicas dahil sabay kaming uuwi ng honey-lemon-toyo-mansi-baby-sugar-bootylicious classmate ko.

———–

“magkapitbahay pala tayo pare! hindi ka kasi masyadong naglalalabas kaya hindi ko alam. sa inyo ba yung banana que-han?”

“oo. kami ng nanay ko yung nagtitinda dun. hindi naman kita makausap nun kahit nakikita na kita kasi nahihiya ako sa iyo.”

“nahihiya ka sa aKIN? bakit naman?”

kasi..

akala ko suplado ka. at hindi mo type ang kagandahan ko kaya hindi…

“tol!”

muntik na akong mahagip ng kotse. pero nakita ko na lang ang sarili ko na nasa mga bisig niya, magkalapit ang mga mukha namin at nakatitig siya sa akin nang mata-sa-mata.

“ano ka ba? mag-ingat ka naman. para kang wala sa sarili mo.. blah-blah-blah-blah…”
pinapagalitan niya ako pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko…
IM FEELING ALL SUPERHUMAN YOU DID THAT TO ME, SUPER HUMAN ALL DAY WITH ME NOW, THEY CANT STOP ME HERE WITH YOU… OOOHH.. SUPERHUMAN…

feeling ko ako si keri hilson na may 5 inches na takong sa school shoes ko.

“naku tol, pasensya ka na. madami lang akong iniisip.”

“hindi ka ba nasaktan?”

“siyempre hindi. niligtas mo yata ako. para naman masuklian ko ang kabutihan mo sa akin ngayong araw na ito, gusto mo doon ka muna sa bahay namin magmeryenda. masarap ang banana que namin. malilimutan mo ang pagkalalaki mo, ay ang ibig kong sabihn, ang pamilya mo… ay mali… ”

akala ko hindi siya nakikinig. pero tawa siya nang tawa.

“palabiro ka talaga bro! akala ko weirdo ka eh. okay ka pala.”

at doon nga sa bahay namin, pinakain ko siya ng banana que namin. mukha namang nasarapan siya. ang dami niyang nakain eh. saka nag-uwi pa siya ng “sa malamig” na gawa ko para sa kanya. (author’s note: ung valentines’s ko sa malamig din… wala lang, epal lang!) tuwang-tuwa rin ang nanay ko dahil sa wakas nakapagdala ako ng lalaki, este…kaibigan sa amin.
“aling Pasing, salamat po sa meryenda. ang dami kong nakain. uuwi na ho ako. saka ho itong inumin, nag-take home na ako. ang sarap po talaga.”

“naku walang anuman hijo. sige mag-iingat ka.”

“tol! salamat dito. punta tayo sa video-han bukas. wala naman tayong pasok. tekken tayo!”

“o sige dude! kahit anong tekken pa yan! anak ka ng tekken! ingat ka.”

——————-

iniisip ko tuwing lalabas kami, date yun. madalas nga noon, siya nagbabayad kaya pakiramdam ko, kaya kong talbugan ang kachenesan ni BB Gandanghari.

pero hindi naman eh. kumbaga, magkaibigan lang kami na magkasama. ganun lang talaga. ako lang, hindi mapakali dahil sa tuwing aakbayan niya ako iba ang nararamdaman ko.

naging close naman kami. bigla lang.

sa school, madalas kami ang magkasama pag lunch. sa labas, mahilig kami maglaro sa video-han ng mga arcade games at baril-barilan.

—————–
“pre, alam mo nalulungkot ako.”
“bakit naman?”

“binasted ako ng nililigawan ko. akala ko gusto niya rin ako yun pala hindi. umasa lang pala ako sa wala. lagi ko pa naman siya hinahatid, dinadala ko yung mga gamit niya, lalo na yung bag niyang mabigat. minsan halos pagsilbihan ko na siya hindi naman pala niya ako gusto.”

aba! ang echuserang iyon! hindi natin siya bati! nakakapanginig siya ng nerves! at nakapangsisikip siya ng rib cage a!

“hay pare, parte ng buhay yan. hindi naman lahat ng tao gusto ka, pero tandaan mo rin na hindi rin lahat ayaw sa iyo. ako, gusto nga kita eh. kaya lang ikaw, wala ka namang gusto sa akin.”

“ano? anong sabi mo?”

“ah.. wala.”

“hindi. sabi mo may gusto ka sa akin?”

ungas pala ito! narinig na nga niya nagtatanong pa! ampness talaga.

“hindi naman pwede di ba? kaya masaya na ako na kaibigan kita. at saka alam ko na walang patutunguhan kung magiging tayo. tama na ito sa akin. masaya na ako. saka pareho kaya tayong lalaki.”

“bakit, porke ba’t parehong lalaki, hindi na pwede?”

“bakit? ako ba at ikaw? pwede?”

“bakit naman hindi?”

“ha? seryoso ka?”

ang mga mata niya. parang kumikinang. palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. ang mga kamay niya, hinihila ako palapit sa kaniya, parang yayakapin ako. haplos ko ang mahaba niyang buhok.

“teka, ano… kasi.. hindi naman…”

bigla siyang pumikit. pumikit na rin ako. hindi ko na napigilan. alam kong hahalikan niya na ako. hindi na ako nagpakipot. kaming dalawa lang. moment na ito!

gusto ko nang pakawalan ang kabaklaang nananalaytay sa aking dugo, at isigaw sa buong mundo na mahal ko ang taong ito. at mahal din ako nito.

kumakabog-kabog na ang dibdib ko. hayan na! hayan na!
ZATURNAH!

wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! lindol!!!

“ANTONIO!!! LATE KA NA! BUMANGON KA NA DIYAN! ANO KA BA? PAPASOK KA BA? LUNES NA LUNES KATAMARAN NA NAMAN YANG PAIIRALIN MO. ALAS-SAIS NA NG UMAGA!…”
“oo na mother, kailangan bang sumigaw? kailangan ba nating magalit? dapat bang lumalabas ang tonsils natin kasisigaw at magstenosis ang aorta mo sa altapresyon at istorbohin ang buong neighborhood at…?”

“hehhhh! hindi naman anak, ayoko lang na sabihin nilang makupad ang anak kong prinsesa ng kagandahan. gusto ko sa lahat ng bakla, ikaw ang matino.”

“okay mother, please prepare my bubble bath.”

“ulol! Baka yang bibig mo ang lagyan ko ng bubbles! maligo ka na nga.” nakangiting sagot ng everloving na nanay ko sa akin AT binatukan niya ako ng tabo. actually, siya lang ang nakakaalam na bading ako. at saka kayo. ang sweet-sweet niya talaga.
nagising na ako sa napakagandang panaginip.

umaga na nga pala. binuksan ko na ang bintana ng kuwarto ko para pasukin ng sinag ng araw.

hayun siya, nagsusuklay. kitang-kita siya sa bintana. bukas ang butones polo niya na may sando sa loob. ang kagwapuhan niyang iyon. kailanman hindi magiging akin. hanggang dito na lang ako. pasilip-silip sa kanya habang umiikot ang aking sinapupunan. hahahah! habambuhay na umaasang sana maging akin siya… ahhhh!!
“Uy! sabay na tayong pumasok. bilisan mo hihintayin kita sa baba. papasok na rin ako eh. dalian mo a! Kanina mo pa ako pinagnanasaan ah? JOke lang pare! hintayin kita.” pabirong sigaw niya sa akin nang makita niya akong tumitingin sa kaniya.

“mukha mo! mas guwapo pa ako sa iyo eh! hahhahah!” ang plastic ng sagot ko.

“haha! sige dalian mo na!”

hay bakla! ang saya-saya ko! sabay na naman kaming papasok.

AH, by the way, siya nga pala si Mark.
Kainis maging pa-mint! Pero ganun talaga, sino naman kasing nagsabi na love story ‘to?
HAPPY VALENTINES SA INYONG LAHAT!





(ps: wala ba kayong nahahalata?)

GUSTO KO NG MARAMING PERA (POSTED: JAN2009)

sorry sa mga mao-offend. tutal hindi naman super blog ang blog ko. JUNK DIARY nga lang.

hindi rin ako mahilig mag-search o kaya magbasa kaya maaaring isipin niyo na walang basehan ang mga sasabihin ko ngayon.

kasi naaasar lang ako.

lahat ng bagay ay binigay sa atin ng Diyos ng libre. Libre pagkain, libre tubig, libre paninirahan sa Earth, libre pets, libre love, libre lahat! pati nga concert ni Sharon libre din di ba?

pero kasi naman, sino ba nakaimbento ng pera? sabihin niyo sa akin! ok fine, BARTER TRADE… sige, sige, barter trade. pero un palitan lang ng bagay yun. pero sige parang pera na rin yun.

pero nakakaasar lang kasi, bakit ba kailangan ng perA? sabi nila hindi naman daw nabibili ang lahat ng pera. ewan ko. ako? masaya ako pag may pera ako. kainis! pati ako nababago ng pera.

naiinis lang ako kasi bakit ang isang taong matagal nang mabuti nagbabago nang isang iglap pag natapatan na ng pera? ang pag-ibig dati puro at walang bahid ng kaeklavuhan, pero kung may pera, kahit wala nang pag-ibig, go na lang. ano ba ito?

ang bansa natin, malapit na maging number one sa kurapsyon… dahil sa pera! ang mahihirap, mahirap kasi wala silang pera. may krisis kasi wala na namang pera.

lahat ng tao, sabihin nating ang isang tao, P100 na lang pera, ung P50 dun pangtaya ng lotto para manalo siya kung papalarin. para magkapera na naman. wahhhhhhh!!!

bakit ba kasi nagkaroon ng pera? pwede namang may pera basta hindi nagbabago ang puso ng tao.

pwede namang halimbawa nagtatrabaho ka sa call center, tapos ang sweldo mo, imbes na pera, bibigyan ka ng manok na buhay at saka bigas saka prutas (teka ang pangit naman yata nun no? ayoko rin nun. isipin niyo na lang pag payday may dala kayong bayong sa call center!)

may nadaanan akong tindahan nung elementary pa ako, lahat ng bagay sa tindahan na yun may bayad… lahat piso isa. piso sitsirya, piso tubig isang baso, piso silip sa TV, piso pati isang hinga pag nakatapak ka sa tindahan nila! potek!

ung iba hindi makapag-asawa kasi walang pera.

hindi makapag-aral sa matataas na iskwela kasi wala na namang pera.

hindi rin makalipat ng ibang bansa kasi walang pera.

maraming samahan ang nasisira dahil sa pera.

madaming tao ang nango-opress ng kapwa nila kasi sila ang may pera.

nalilimutan na ang kapatiran dahil sa pera.

madaming napapariwara kasi madami silang pera.

yung walang pera nakikipariwara din. ano ba yan?

ang daming tao sa mundo kasi walang pera. wala sila magawa kaya nagse-sex na lang sila. buti pa sila yun ang ginagawa. ako wala. (joke!)

may mayaman at mahirap tuloy dahil sa pera.

may game show dahil sa pera. (at sasali ako!)

lahat ng kagandahang asal nakakalimutan dahil sa pera.

lahat-lahat… nakakainis kayo!

eh basta… naaasar lang ako sa pera. kita mo, pag wala akong pera, mainit ang ulo ko. kung ano-ano nasasabi ko.



PAG NAGKAPERA NA NAMAN SIGURO AKO, MASAYA NA NAMAN AKO. BACK TO NORMAL BA? kainis!

MOOD SWINGS (POSTED: JAN2009)

INTRO:

junkpost ang password ng blog entry na nauna dito.

sinubukan ko lang yung password feature… ayan, wala tuloy halos comments. heheheh… anyways…

THANKS.

at ang entry ko ngayon, hindi siya tula. ewan lang.

————————————————————

minsan pinipilit ko naman maging “da best”,

o sinisikap maging kakaiba

pero bakit wala pa ring nangyayari?

naghahanap ng inspirasyon,

pero walang makita,

pwede namang yung sarili ko na lang pero bakit parang wala lang rin?

gustong mag-emote pero di naman kailangan umiyak,

may patay ba?

wala naman di ba?

ang igi-iging mag-isip sa buong maghapon

hanggang makatulog na at gigising kinabukasan…

…ng tanghali, hay!

maghahanap ng paglilibangan pang-alis purisaw

maglakad-lakad sa park o kaya pumunta sa lugar na hindi ko pa nararating,

pero pag-uwi, parang mas lalo pa akong napagod.

minsan ginusto ko umalis nang mag-isa,

pero habang nasa daan ang lungkot naman ng paligid.

uwi ako ulit. hanap ng kasama!

minsan ginusto ko rin na maging pinakamatinong kausap ng lahat

pero para lang may masabi

nagmumukha tuloy akong gago

at mababanas lang sa akin ang kausap ko.

ayun! blag! binagsakan na ako ng telepono.

gusto ko ring mapansin ng crush ko

kung ano-anong ka-epalan ang ginawa ko.

ayun! wala na siya.

gusto ko ring maging maganda at maayos

nagbibihis naman ako

nagkokolorete rin

pero sa kinahapunan natatanggal din ang make-up ko

at balik sa mundo ng kadugyutan.

wala naman talaga akong problema

pero gusto kong uminom

pagkatapos ng 3 bote ng RH

wala… pakiramdam ko wala akong kwenta pagkatapos kong mahimasmasan. kunwari, lasing ako.

nagususulat na lang din minsan para mailabas ang nararamdaman ko

pero hindi pa ito todo eh.

ginusto ko umakyat sa bundok

at pagdating sa tuktok, sisigaw ako: PUTANG INA NIYONG LAHAT!

pero wala pa ko sa 1/4 galing sa paa ng bundok, pagod na ko.

POTA NAMAN KASE! ANG BIGAT KO.

GLAIZA VS. GRAVITY

I surrender.

gusto ko rin sana magbasa

pero first page pa lang tirik na mata ko.

antok na.

minsan pakiramdam ko ang dami kong kaibigan

pero ngayon parang ayoko silang makita

kasi parang wala na akong ipagmamalaki.

alam kong okay lang sa kanila pero sa akin hindi.

naghanap ako ng pagkakaabalahan

commitment daw?

pero 2nd week pa lang may absent na akong isa

late pa ko lagi ng isang oras.

ako unrealistic?

hindi ko alam

pero gusto kong makalipad at maging invisible.

bihira ako tumaya sa lotto

pero sa araw na tumaya ako

mega-asa naman na mananalo ako.

pero maski isang numero wala akong tinamaan.

kahit rambolito pinapatos ko.

pero sa kabila ng lahat ng ito

mayroon lang akong laging isinasaksak sa isip ko.

MAGANDA AKO! at MAGANDA TAYONG LAHAT!

sapat na yan para ngumiti ako.





(siguro magkakaroon na ako?)

I WANT TO BE A SHARONIAN (POSTED: JAN2009)

“LIBRENG TICKET DAW SA SHARON BIRTHDAY CONCERT O! PILA NA TAYO!”

sinigaw ng kaptid ko habang nanonood kami ng TV. ang totoo, natawa ako.

aminin na natin, stigma na sa lahat na kung mahilig ka sa artista na:

JOLOGS ka
baduy
kadiri
low class
walang magawa
algae
fungi
mababang uri sa taxonomy ng mga nilalang sa mundo
desperado
hampas lupa… at kung ano-ano pa!

pero anong low class sa mga artista? eh ang yayaman nga nila at ang gaganda nilang lahat! trabaho lang talaga nila ang umarte di ba? at masa ang humahanga sa kanila.

unang araw ng pila, attack na kami ng mga kapatid ko. kanya-kanya nang plano kung sino ang isasama. ang daming tao! libre kasi. may mga nakausap kami na mukhang panata na yata nila ang magpunta sa mga libreng concert. basta raw sana andun sila Shaina at Rayver.

sulit naman ang pagod. sa isang pipila, 2 tiket ang ibibigay.

muntik pa kaming mag-away ng mga kapatid ko. dahil dapat daw walang ibang taong kasama kundi kami lang. pero naayos naman namin. hindi naman ako papayag na si Sharon ang sisira ng paggiging magkapatid namin no?

yung kuya ko pumila uli para makakuha ng tiket. kapal ng mukha sa ngalan ni Sharon! pero ayun nagtagumpay naman siya. may 4 na tiket xa. para sa syota niya, sa nanay nito at sa tita na rin tapos sa kanya. para wala na lang samaan ng loob.

3 araw nagkaroon ng pila sa audience entrance ng ABSCBN. madami talagang tao at hindi naman naubusan ng tiket kahit na napakarami talagang Sharonians.

at ayun, nung Biyernes…

alas-sinco pa lang ng hapon naroon na kami sa venue. akala ko kami lang ang atat manood ng concert eh. hindi pala. may mas atat pa sa amin. alas-tres pa lang ng hapon nandun na. at yung iba pa, mas maagang dumating.

gusto rin namin sa harap. pero anong laban namin sa mga true blooded Sharonians? mega effort! may tarps, happy birthday Sharon na boards, mga ganung effect! lalo na kay Mommy Elaine, kay Frankie, KC, Miel, Kiko… (aba! kamag-anak?) eh kami, dala lang namin sarili lang namin. at I LOVE YOU SHARON sa mga puso namin. at mga echusera kami.

nagpapasok na rin naman yung mga guard. pwede naman na daw. at habang naghihintay sa loob ng dome, inaliw muna ni Chokoleit ang mga tao. nagtatanong siya ng mga trivia questions at binibigyan ng premyong T-Shirt at pamaypay ang makakasagot ng tama at may extrang kiss pag lalaki ka. nakakatuwa talaga at hindi nakakainip.

ganap na alas-otso ng gabi, (in fairness, 8PM ang concert at natutuwa ako na hindi siya nag-start ng 9PM.) nagtilian na ng lumabas na si Ate Shawie at kumanta. ang totoo, hindi ako Sharonian pero napatili rin ako. at wala nga akong boses pero inubos ko kakasabi ng,

“I LOVE YOU SHARON!!!”

kinawayan niya ang lahat ng fans niya. naisip ko tuloy,

“MAG-ARTISTA NA LANG KAYA AKO? kaso wag na. kakahiya.”

(di ko man lang naisip kung qualified ako. hahahah!)

wala akong dalang camera. buti na lang naroon ang bestfriend ko at may dala siya.

hindi ako nakaupo sa harap. kaya nahihirapan akong malitratuhan ang mga artista. hindi lang naman si Sharon ang nandun. nandun si Pooh, Chokoleit, Pokwang, CAndy PAngilinan, Maja, Vhong (close?), Edu, Bayani, si Ate Charo…

at nang tawagin na si Piolo Pascual…

“WAHHHHHHHH!!!!!!!!! PIOLO ANG GUWAPO MO! DI AKO NANINIWALA NA BADING KA! I LOVE YOU PAPA P!”

grabe. di ko alam. kilig na kilig ako nang dumating siya. si Sam Milby ang guwapo-guwapo rin!

at siyempre, dahil birthday yun, naroon rin ang mga BIRTHDAY MESSAGES.

nagbigay ng message si Willie, Ate Vi, Boyet…

at ang nagpatili uli sa akin na nagbigay ng mensahe..

“GABBY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

lahat ng tao sa buong Araneta, naghiyawan. grabe! ang sarap makihiyaw! hindi naman ako nakikinig sa birthday messages nila. tinitingnan ko lang yung mga artista talaga. at ang reaksyon ng mga tao.
lumabas na rin si ZsaZsa, Kuh, LT (gumanda siyang talaga sa kabila ng mga pagsubok sa buhay niya!), Vina, Gino Padilla… grabe talaga! ang galing din ng production number ni KC kahit muntik na sya mahulog dun sa see-saw niyang props.kumanta rin si Sarah, Rachelle, Mark, Erik, Christian. (first names basis talaga?)

ang sarap sigurong maging artista talaga. at may kaibigan kang artista rin. tapos anak mo artista rin… pare-pareho kayong stariray!

naging napakaganda ng concert na iyon. nag-enjoy talaga ako.

at nang matapos ang gabing iyon, i therefore CONCLUDE:

I WANT TO BE A SHARONIAN…
happy birthday Sharon.


(JOLOGS NA KUNG JOLOGS. HINDI NAMAN MORTAL SIN YUN NO? AT SAKA HINDI NAMAN BAWAL SA RELIGION NAMIN ANG HUMANGA KAY ATE SHAWIE!)

ANG YEAR ENDER NA MAHABA (POSTED: DEC2008)

hindi ako fan ng paggawa ng new year’s resolution. kasi wala naman akong nagagawa. pag sinasabi ko, wala naman nangyayari kaya hindi iyon ang isusulat ko ngayon.

iibahin ko.

ang gagawin ko, magre-recall ako ng mga nangyari sa akin (o nangyari sa taon) and then maybe, i can start from there.

marami.

super.

try natin ang enumeration.

(random na ito. di ko na rin maalala ang pagkakasunod-sunod. basta sisikapin ko ilagay ang lahat ng kaya kong ilagay.)

1. kung anong una mong naaalala, yun ang isusulat mo sa number one.
THANK GOD NALAMPASAN KO ANG 2008.

SALAMAT SA MGA NAG-UUBOS NG KONTING PANAHON SA PAGABABASA NG BLOG KO AT SA PAG-IIWAN NG COMMENT.

2. lahat ng tinatago, masama. (sa akin lang naman applicable ito ano?)

3. it is not bad to start from scratch.

4. i’m knocked down, but never knocked out.

5. pangarap kong makakuwentuhan si Bo Sanchez.

6. parang ang saya maging Christian. hindi pala siya corny. (hindi po ako Christian. Catholic ako. pero pag nakikita ko sila, lalo na yung kapatid ko, parang masaya siya sa ginagawa niya. mabuhay ang mga Christian na nagbabasa nito. masaya naman ako sa religion ko.)

7. mahal ko ang aking pamilya.

8. kahit papaano, nakagawa na rin pala ako ng bagay na ikakasikat at ikakasakit ko.

9. napaka-self centered pala ng blog ko (obvious ba?)

10. ang isang bagay, sa umpisa hindi mo gusto. pero pag nakasanayan mo na, rock en roll rin pala.

11. madalas, hindi tayo masaya sa trabaho. pero ang nagpapasaya sa iyo ay ang iyong mga katrabaho. at ang sweldo. heheheh!

12. nakapagpadala na ako ng mahigit 10,000 text messages sa loob ng kalahating taon. (ang lakas ko pala sa load. o may mas malakas pa sa akin!)

13. kengkoy pala ang kuya ko.

14. ako si gagambala. at gagambalain ko kayo!

15. okay lang palang makatanggap ng teddy bear kahit hindi galing sa lalake. (pangarap ko kasi makatanggap ng teddy bear galing sa lalaki pero mga babae nagbibigay sa akin.)

16. mahilig talaga ako sa aso. ayoko ng pusa. at takot ako sa bulate.

17. hindi lahat ng lalake guwapo. noon yon. ngayon, hindi lahat ng guwapo, lalake. wahhhhhhhhhhh!!!!!!!

18. napakasayang mag-party. hindi talaga kailangang magarbo. basta lahat kayo masaya, nagkakasundo, nagmamahalan… masaya pala talaga.

19. napatunayan ko na hindi pala talaga mahalaga ang materyal na bagay para maging masaya ka.. pero ako mukhang pera.

20. natatawa ako kay Julius Babao. minsan niyang nasabi sa isang balita noon na hindi pa inaabot ang Pilipinas ng worldwide crisis… grabe. partida pa pala nung mga panahong iyon.

21. ang gastos maging tabachoy.

22. hindi kami kasya sa tricycle.

23. masarap daw akong kasamang kumain.

24. wala pa akong nakasamang pumayat. lahat sila tumaba.

25. masarap sana ang may ka-i love u ka, may nagsasabi sa’yo ng i miss u, at nagtatanong kung nasaan ka na… pero okay lang kung wala. pwede mo naman sabihin, WER NA ME? D2 NA ME. KUMAIN NA BA ME? I MISS ME, I LOVE ME, KUMUSTA NA ME… leche! napaka-self supporting.

26. hindi ka rin sasaya kung ikaw lang. dapat may kasama ka.

27. hindi totoong pabigat ang kaibigan. pero ako mabigat. pero kaibigan mo ko. gulo no?

28. may utak pala ako kahit papaano.

29. mayroon na akong HALOS 2,000 comments na kabuuan sa blog ko. (thank you. pero binubura ko yung iba na mukhang spam lang.)

30. nakalimutan kong simulan ang entry na ito ng HAPPY NEW YEAR.

31. boring akong tao.

32. pero interesting daw.

33. isang kindat lang, one shot dead na ako.

34. napaka-gullible kong tao.

35. natapos na ang taon, wala pa rin akong syota.

36. masaya ring tumingin sa magagandang babae. kahit babae ka rin.

37. tinamad akong mag-make up.

38. tumaba pa pala ako.

39. lagi pala akong nabibiktima ng mga taong pa-fall.

40. huwag magtatanong kung magde-deny ka lang.

41. masarap gumamit ng computer.

42. nakakabaliw manood ng anime lalo na kung di pa pinapalabas sa TV. ayoko ng manga. kasi hindi ako mahilig magbasa.

43. marunong na pala talaga ako magsulat ng hiragana at katakana.

44. mabilis pala akong matuto.

45. maraming nagsasabing addict daw ako. addict ba kasi saan.

46. maraming reader ang hindi magkakainteres na basahin to kasi mahaba na naman.

47. next year 23 na ako.

48. akala ko loser ako. hindi naman pala.

49. mabilis pala ako mag-type.

50. ang sarap sanang isipin na nagkaroon ako ng mga tangahanga sa blog ko. mantakin mo hinihingi ang number ko at magkita daw kami! yahoo!

51. never talaga ako natuto mag-yosi.

52. may mahigit 500 comments na ako sa fs account ko.

53. halos 200 din pala ang mga kaibigan na kilala ko.

54. malamang sa mga oras na ito, nasasabi mo na sa sarili mo, “ano naman ang paki ko?”

55. sobra ang krisis lately. actually noon pa.

56. wala akong ipon. naubos lang kakakain ko.

57. masayang kumanta ng kantang kahit hindi mo naiintidihan.

58. wala pa ring kupas ang mga pelikula ni DOlphy.

59. andito pa rin ako sa Pilipinas.

60. mayabang pala ako.

61. i love my aso.

62. ang haba talaga nito.

63. madami palang porn sites.

64. nakakainis kausap ang walang kwentang kausap. at isa ako doon.

65. 3 beses na-bad trip ang bespren ko sa akin.

66. kung anong ginawa mo, siya ring babalik sa iyo.

67. i love you.

68. kayang maglakad ng mga tao nang walang damit sa loob ng bahay namin… tara! join them. hindi ako kasali.

69. hindi na nakakatawa to.

70. ilang pages kaya ito?

71. walang bagay na maliit basta binigay at ginawa ng buong puso.

72. nangolekta pala ako ng keychains. nakakaloka. at yun lang pala yung meron ako.

73. gustong-gusto ng tatay ko na tumubo uli ang buhok niya. pati na rin si kuya.

74. hindi ko namamalayan na nagpapalobo at nagpapalipad pala ako ng laway pag wala akong ginagawa. (nagtinginan sa akin ang mga tao sa PRC kasi hindi ko alam na ginagawa ko na pala.)

75. masarap pag-trip-an ang kabataan at kabobohan ng mga ko.

76. ngayon ko lang naisip na wala talaga akong siyota.

77. malamig ang pasko. malamig din ang bagong taon.

78,lasang panis pala ang adobo pag hinaluan ng red wine.

79. masarap ang fruit salad.

80. marami talaga akong typrographical errors. itanong niyo na lang sa mga naging ka-trabaho ko.

81. masayang makipag-away in English.

82. nanggaling na ako sa COnvergys. heheheh! saya!

83. madami na ring mga salitang naimbento. hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin.

84. ang sarap mag-videoke. nakakaadik.

85. pag sobrang gutom ka na, kahit hindi masarap o kahit panis pa, makakain mo rin. yak!

86. ilang items ba ang naulit kong sabihin?

87. ang galing ni charice, allan, charlie… actually marami sila di ko lang alam ang pangalan. ang galing ko rin pala! hahah! naki-epal!

88. nasira yung machine nung lotto nung isang gabi na nanonood ako ng draw.

89. natutunan ko na hindi maganda ang maghabol sa taong ayaw magpahabol. nakakasawa pala ang maging balagoong. ang habol ko, parang langit-lupa. ayawan na. ay hindi, ako lang pala.

90. kapag pumasok ka sa CR namin, magkukulay bangkay ka.

91. nanonood ako ng EVA FONDA, FEAR FACTOR, I LOVE BETTY LA FEA, LUNA MYSTIKA, at kung ano-ano pang teleserye na meron sa gabi at sa hapon.

92. gusto ko sumali sa Ms. Fitrum.

93. madalas ko isali ang Wowowee sa blog ko. (NASABI KO NA BA ITO?)

94. kahit anong handa ng pasta gusto ko.

95. ano pa ba?

96. msasarap pa rin magsaya sa sarili mong bahay kaysa nasa ibang lugar ka.

97. make someone happy each day. even if it is yourself.

98. GOD IS GOOD. ALL THE TIME.

99. napakaganda talaga ng fireworks.

100. para sa iyo na ito. (oo! sa’yo nga!) dahil nakaabot ka sa item 100.

MALIGAYANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT. HANGAD KO PO ANG LAHAT NG MAKAKABUTI SA IYO… MARAMING SALAMAT…

FOR ADULTS ONLY (POSTED: DEC2008)

PAUNAWA:

BAWAL SA BATA AT SA ISIP-BATA. PLEASE LANG. AT SANA NANGHIHINGI LANG AKO NG PANG-UNAWA NA HUWAG NIYO KONG I-JUDGE. I’M NOT A BOOK OK? ESPECIALLY WHEN UR NOT A JUDGE. GUSTO KO LANG MATUTO KAYO SA IKUKWENTO KO.

THIS MAY CONTAIN OFFENSIVE LANGUAGE.

ANG MGA SCRIPT NA NARIYAN AY RE-TOLD NA LANG. IBIG SABIHIN, HINDI YAN ANG ORIGINAL NA MGA LINYA PERO YUN DIN NAMAN ANG IBIG SABIHIN.




~LAGOT KA, LAGOT KA HULING-HULI KA!~

BY: YOURS TRULY

~PROLOGUE~

sa living room, 12:30AM Philippine Time

isang gabi, nakaupo ako sa isang tabi at kinakalikot ko…

ang laptop ko.

nag-iinternet po ako mga kapatid. at nag-log in ako sa YM (yahoo messenger) . at nag-join ako sa chatroom na JAPANESE ANIME. mahilig po ako sa anime mga kaibigan, halata naman di ba?

at nakipag-chat ako sa mga fan ni Naruto, Inuyasha at kung sino-sino pang mga anime character hanggang sa may nag-buzz sa akin na isang di kilalang nilalang.

ayon sa kanya, siya ay kasing edad lang ng inyong lingkod (22 yrs old po ako turning 23 nek year) at isa siyang lalaki. mula siya sa NY yata o CA di ko na maalala. nakakatuwa siyang kausap dahil talagang mahilig xa sa anime at nagkakaintindihan kami. ang nasa isip ko, isa siyang Amerikano . di ko naman kasi siya nakikita.

ito ang ilang ebidensya mula sa aming pa-uusap:

ako: are u a real human

siya: yeah, i am.

ako: asl

(and so on and so forth.. chenelyn… IWAS SPAM LANG KAYA YUN ANG UNA KONG NATANONG.)

nakakatuwa siyang kausap dahil parang ang talino niya. halos 3 oras kami magka-chat ate charo. (MMK ito?) madami siyang alam at nagkaka-jive ang iniisip namin.

tinawagan niya ang computer ko at nag-usap kami gamit ang headset. salamat sa call center experience ko at nakayanan ko siyang kausapin. Ingles ito mga ate. iniisip ko na lang customer siya at agent ako. para mainitindihan niya ang English ko. naghanda ako ng tubig na maiinom dahil pihadong matutuyuan ako. pinagpapawisan ako sa English-an naming dalawa. bumubulong kasi ako dahil may natutulog sa salas namin. ang hirap mag-mega English na bumubulong.

nag-log out ako. inantok na kasi ako.

(poprotektahan ko ang ka-chat ko. hindi ko na siya masyadong ipapakilala pa. pero ako kumustahin mo naman di ba? yurak na yurak na pagkatao ko dito noon pa man.)

bago kami mag-log out, pinaalalahanan niya ako…

siya: i hope u can handle that im a sexual person.

at ang reply ni ungas…

ako: ok.

CERTIFIED UNGAS TALAGA. tamang ok lang.

————————————————————

SCENE 1: SIMULAN NA ANG KAULULAN!

1:30 PM Philippine Time

sa living room pa rin, parehong upuan malapit sa bintana

YM mode uli. umalis ang lahat ng tao sa amin at ako lang ang natira sa bahay. napakasaya ko dahil magagawa ko na lahat ng gusto ko sa maghapon. humilata, manood ng TV, matulog uli, chumenelyn (malaki na kayo.. kanya-kanyang isipan na lang ito.), chorvah, at kung ano-ano pa. gawaing tamad ba? mga ganun.

inubos ko ang maghapon ko sa pagharap sa laptop. nakikinig ako sa anime music, nanonod ng videos sa youtube, tumitingin ng bagong anime releases, basta. madami. multi-tasking naman ang uso sa internet di ba?

“BUZZ!”

siya na naman. naku. pero sige, kembot lang.

chat-chat kami. iskempertush… alert… happiness and energy…

hep hep!

hooray!

hep hep!

hooray!

hep hep!

hooray!

hahahah!

————————————————————

SCENE 2: IT’S RAK EN ROL TIME!

2:30 PM, Philippine Time.

same place.

“i want u.”

“huh?”

“talk to me.”

“like what?”

“i’ll call you.”

“huh?”

“answer me.”

(nag-ring ang computer ko. at sinagot ko)

iba na ang tono ng boses niya. di ko maintindihan ang nararamdaman ko. parang lahat ng dugo ko, pumupunta lang sa puso ko. kinakabahan ako. ang lamig ng kamay ko. alam ko na ang gusto niya.

TU-MUR-BO KAMI GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLIHIYANG ITO!

heller… broad daylight kaya saka nanonood ako ng Pieta? (telerserye po iyon ni Ryan Agoncillo sa hapon)

wala namang web cam. ayoko kaya nun. extreme na yun!

ang totoo, madaming beses niya akong pinilit. ayoko talaga. pero parang gusto ko. ewan.

ang linya ko: “wait, i’ll pray first.”

lumayas ka, masamang ispirito. tukso, layuan mo ako!

ilang beses ko siyang binabaan kasi natatakot ako. baka may makarinig sa akin. wala namang tao sa labas pero ewan ko. natatakot ako at kinakabahan.

hindi naman ako inosente. pero hindi ko pa nararanasan kung ano man ang napapanood natin at nakikita sa mga pelikulang may lamang pornograpiya. basta. bahala na si batman humusga. nagpapakalalim effect lang ako.

to cut the story short, di ko rin siya natanggihan. tutal, boses lang naman ang kailangan.

“i only want to hear you. it’s not like im asking u to have sex with me.”

“but, i cant.”

“i understand you are shy. but there is always a first time for everything.”

“i know.”

“c’mon. i want you to feel the pleasure. trust me.”

“uhmmm… i dont know who you are.”

“same here.”

“u see me as a challenge, huh?” (bobotiks mode. nang-hamon pa!)

“and an interest.”

“OMG.”

lagot na. oo nga naman, bosesan lang pala eh.

(pangarap ko maging dubber pero mukhang hentai ang una kong titirahin.)

paningit:

hentai (Japanese word, noun)i: bold na anime. ang ibig sabihn kasi nag salitang hentai sa Japanese ay pervert.

sige. dadayain ko na lang siya. boses lang. sige. go na.

go na.

go na.

nagsimula na ang voice over ng ka-porno-han.

“i’ll guide you.”

“ok. i’ll listen to you.”

wahhhh.. ide-detalye ko pa ba? wag na. baka mawalan kayo ng respeto sa akin.

basta, lahat ng prolonged vowel sounds, maririnig mo.

“aahhhhhhhhh…”

“eeeeeehhhh…”

“iiiiihhhhhh…”

“ohhhhhhh…. ohhh…..”

“uhhuhhhh…..”

leche! ang totoo, ulol na ang di tinatablan. di tao ang di tatablan maski tunog lang ang ginagamit. sana nage-gets mo ang sinasabi ko. mamatay na ang hindi tinatablan ng libog sa katawan.

(buhay ka pa? ikaw ang tinatanong ko.)

nakakapagod. ngayon, alam ko na kung paano ang buhay ng mga dubber sa likod ng mga eksena sa hentai. mamatay man ako, habang ginagawa ko ang voice over, wala akong ginagawa. tahimik ang kamay ko. nagmamasid ako. ang hirap ng ginagawa ko.

at ang nakakatawa, nagtatago ako sa space ng sofa namin dahil kunwari umuungol ako. kunwari lang yun. sumasabay ako at kunwari alam ko ang sinasabi niya. ayoko talagang may makarinig sa akin eh. para talaga akong gago.

super ungol ang kausap ko.

“that’s it, baby. i want you to talk to me.”

(naku po… ano na naman ang sasabhin ko.)

“talk to me.. ahhh… i want to hear you moan.”

(lagot na! paano ko gagawin? sige, ungol mode lang. kunwari di ko na kaya.)

“long for me, baby.”

(Susmaryosep! Patawarin ako ng Panginoon. Alam ko ang aking ginagawa pero di ko alam kung anong kahihinatnan nito.)

nagtagal ako ng kakaungol kunwari for 25 mins. maya’t-maya umiinom ako ng tubig dahil natutuyuan talaga ako sa ginagawa ko.

nang may marinig akong lumangitngit sa labas.

ANG GATE.

————————————————————

SCENE 2: RAID!

4:00PM, Philippine Time

same pwesto.

“hello!”

umarte akong pa-inosente

SI KUYA!!!!!!!! wahhhhhhhh!

Patuloy sa pagsasalita ang ka-chat ko. libog na libog siguro. ewan ko kung nagbo-voice over lang siya. naglolokohan siguro kami.

sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko alam kung ano ang uunahin. ang pagbuksan ba si Kuya ng pinto? o magpaalam sa ka-chat ko? patayin ang computer? hatakin ang internet cable?

5

4

3

2

1

BOOM. TKO!

hindi ko pa pala nai-lock ang pinto ng bahay kaya within 5 seconds, nabuksan ni Kuya ang pinto.

Huli!

sa sobrang taranta ko, nahatak ko ang cable ng headset! wahhhhhhhh!!!!!!! ang boses ng kalibugan ang nangibabaw sa parteng iyon ng sala. tuloy sa pagsasalita ang ka-chat ko. umuungol na siya at mukhang isa nang ritwal ang sinasabi niya dahil ungol siya ng ungol.

parang ANGNA, ANGNA, SULAKEHIN. SUMASKIDOT. MOKOMOKO! SHIGI SHIGI MAKA SHIGI UMAA… (old joke po ito, alam kong alam mo ito. grade one pa lang ako alam ko na to. )

lumipat na ngayon ang tunog sa speaker ng computer!

wala na akong kawala. kaharap ko ang kuya ko.

kurap.

kurap.

kinig.

ngisi.

pasimple, pinatay ko ang laptop ng biglaan. walang shut down. basta. pindot sa main button.

————————————————————

SCENE 3: VERDICT: GUILTY.

5:00 PM, Philippine Time.

same place (tibay ko. di ako umaalis sa pwesto ko!)

butil-butil na ang pawis ko. nasabi ko bigla nang walang kapreno-preno:

“KUYA, ISTORBO KA TALAGA!”

at kinurot ng kuya ko ang pisngi ko.

“nararamdaman ko, may ginagawa kang masama kaya dumating ako.”

nanliit ako na parang si Tiny Tony.

tumungo uli ako sa computer. Online uli.

“hey, what happened? u disappeared.”

“my brother came in. i got caught.”

“hahha.. how do u feel?”

(adik ka pala eh! how do u feel mo mukha mo!)

“just fine. im sweating. gtg.”

“ok. kiss me”

“mwah.”

at offline na ang gago.

————————————————————

SCENE 4: PATALASTAS.

(dumating na ang aking tatay at ang lahat ng kasama ko sa munti naming tahanan na binahiran ko ng kamanyakan. nagluto kami. naligo na ako. nag-ayos ng sarili. sinikap kong isiping walang nangyari. ang totoo, bumabagabag talaga sa akin ang ginawa kong kalokohan. at sa kabobohan ko, nag-panic ako at yun, huli sa akto! kung andun lang si Bonggang Bonggang Bong Bong… wala na ako. I’m dead.)

buti na nga lang si Kuya lang ang nakakaalam.

————————————————————

Scene 5: WALANG KADALA-DALA.

same place.

8:30 PM, Philippine Time.

Log on sa YM.

status: EXTREMELY BUSY na may simbolong busy. sa mga nagwa-YM, alam niyo na ang sinasabi ko. bawal mang-istorbo. inaayos ko ang resume ko.

BUZZ!

tae! siya na naman! ano ba to?

“huy”

“huy ka ren!”

(teka, huy… huy ka ren… tang ina! ano to?)

“busy ka pa rin ba para sa akin?”

“wow hanep! wow mali! shet! pinoy ka ba? nagtatagalog ka?”

“no i have a translator.”

(translator your face. i felt betrayed. I WASNT BORN YESTERDAY! yes naman! parang La Traicion. puta! kapitbahay ko kaya to? anong mukha ang ihaharap ko sa buong Pilipinas? mga kababayan, patawarin niyo ako. hindi ko sinadya ang aking ginawa.)

“translator? tell me the truth now. it’s like ur playing a game on me.”

“no. im sorry.”

“i felt so guilty.”

“dont be”

“heller? you cant blame me. it’s like im in a gag show called world’s funniest moments.”

(humihingi ng tawad si panget.)

“no. its ok. its all my fault. i cant explain what im feeling right now.”

(i hate you. mamatay ka na sana. mapunta ka sana sa impyerno.)

“why cant u accept it?”

(accept? paksyet ka pala eh!)

“…”

nagpatuloy ang aming bolahan. ayoko na sana siyang kausapin. gusto ko na nga sanang i-report as spam. pero you know, malandi ako.

————————————————————

SCENE 6: UNGASIS STRIKES BACK.

continuation lang. kumain lang ako saglit.

churva is offline. nag-iwan ako ng offline message.

“di ko alam kung pinoy ka, fil-am, kung ano man. pero kakakaasar ka. echusera ka. ewan ko kung naiintindihan mo ko. nakakainis ka.”

———————————————————–

SCENE 7: I LEARNED MY LESSON. MONOLOGUE.

same place. 3:30 AM na, Philippine Time.

isinusulat ko ito. hindi ko alam kung masyado itong nakakahiya para ikuwento ko pa pero isa lang ang gusto kong ipamukha sa sarili ko. tinuturuan ko ng leksyon ang sarili ko sa mga oras na ito.

WAG NA WAG MAGTITIWALA SA MGA TAONG DI MO KILALA. LAHAT NG TAO SA INTERNET (CHAT) AY BOLERO, VIRUS, DI TUNAY HANGGA’T DI NAKIKITA, DECEIVING, ECHUSERO’T ECHUSERA, JOKERS, WOW MALI, TRIPPERS, WALANG EMOSYON… generalization ko ito. kung di ka kasali sa mga unggoy na nabanggit, wag mag-react.

ewan.

ewan.

ewan.

ngayon, ikaw ang pinaglaruan ng sarili mong joke. madala ka naman! umayos ka. 22 ka na engot ka pa rin. kaya ka napapahamak eh. at ngayon, magpa-practice ka na lang gandahan ang boses mo, pang-hentai pa ang talent mo! walanghiya naman o! susmaryosep! umayos ka naman babae ka!

bawat pakiramdam, may tamang pinaglalagyan.

at kung sa susunod, gagawa ka uli ng kalokohan, mahuli ka man, kumalma ka. tapos kembutan mo.

at tandaan mong ang tunog sa computer para mawala, i-set mo sa mute all. hindi yung binubunot mo ang headset cord dahil yan ang magdadala sa iyo sa imbyerna-landia!

kuha mo na?

opo master.

MY FIRST PSEUDO-CRUSH (POSTED: NOV2008)

hindi naman ako mahilig mag-discuss ng mga bagay na masyadong seryoso. nanalo si Obama. Okay. Thank You Lord. o yan.

hindi ko rin hilig ang makipag-bonding sa mga kapatid ko. pero may mga bagay lang naman kaming napag-usapan habang nag-aagahan kami.

hindi ko alam pero habang naglalaba ako, hindi ako maka-get over. tawa lang ako nang tawa. yun bang mga bagay na naaalala natin nung mga bata pa tayo. nung hindi pa masyadong developed ang mga isip natin at hindi pa tayo masyadong aware kung nakakahiya ba tayo o hindi. wala tayong keber sa mundo. chenelyn lang kung anong mapag-tripang gawin.

hahahaha!

—————————————————————-

INTRO: I THINK I AM JUST FILLED WITH LOVE TODAY.

first time ko magka-crush nung Grade Four ako. actually, kasi yun ang uso. yung mga kaklase ko, may crush kaya dapat ako mayroon din.

meron sa kanto namin naglalaro ng basketball. pangalan niya, Juni. hindi ko alam kung ano ang kilig pero lahat ng kalaro ko, lagi siya ang bukambibig sa akin. kesyo daw, cute siya, magaling maglaro ng basketball at marunong daw sumayaw. hindi ko alam kung macho dancer si Juni. sabi lang nila.

nakatira si Juni sa apartment malapit sa amin. dun nakatira ang mga mayayaman sa street namin. so ibig sabihin, mayaman siguro siya.

PANINGIT: TAGA-PASAY CITY PA AKO NOON.

wala siyang dating sa akin. kasi bata lang naman ako noon. pero tuwing hapon, habang ang lahat ng mga bata ay tulog, nandun kami ng mga kaklase-slash-kapitbahay ko sa basketbulan. hinihintay namin ang barkada ni Juni na maglaro. naglalaro kami ng 10-20 at chinese garter at kung ano-ano pang malalaro namin, pampatanggal inip. ako, si Lallie, si Yeyeng… at kung sino-sino pang trip sumama.

ayan na…

“ahhhhhhhh! Andiyan na siya. OMG! dali! dali! tama na yan! MAglalaro na sila.” sigaw ng kalaro ko. Kilig na kilig siya. hindi ko alam kung nag-iinit siya o ano. Grade 4 pa lang kasi ako noon. Kung kasing berde lang ng utak ko noon ang utak ko ngayon, malamang sinabi ko na sa kalaro ko, “Ano ka ba? Kung kiligin ka akala mo may vibrator sa loob ng katawan mo?! Yung clit mo gusto na kumawala! ahahaha!ang bastos ko naman!”

kainis! ako na ang maglalaro dumating pa ang mga kumag!

So ayan na, ang mga feeling F4. palibhasa alam nila na crush daw namin sila.

Grade 6 yata si Juni at ang kanyang mga barkada. ewan. basta.

nahawa yata ako sa mga kaklase ko noon at ako rin nagtititili na rin pag nakaka-shoot siya.

“Wow! Juni ang galing-galng mo mag-shoot! I loooooove youuuuuuuu!”

hindi ako makapaniwala na nagsisisigaw kami ng ganon. siguro, kung andun lang ang mga tatay namin, sasabihin sa’min parang kinikiliti mga kiki namin pag nakaka-shoot siya. nakakatawa. ang bata-bata pa namin nun. pero malay ko ba kung mas malandi ang iba diyan. since birth, makati pa sa higad. kaloka!

at nang sumablay ang isa nilang kasama sa pagsu-shoot ng bola, napunta ang bola sa kinatatayuan namin. hindi kami magkandaugaga kung sinong mag-aabot sa amin ng bola.

lumapit si Juni. pawis na pawis. hindi ko alam ang cute noon. pero nakakatuwa na lumapit siya.

tulala lang kami. at hindi ko namalayan na ako pala ang pumulot ng bola. hawak ko iyon at walang sabi-sabi, kinuha ni Juni ang bola sa mga kamay ko.

pero, lumingon siya, hinagod niya ang pawisan niyang buhok. at sinabi, “Salamat.” sabay ngiti at umalis na siya.

“wahhhhhhhhhh! sabi niya, salamat daw! grabe!!!! ahhhhh!!! I love you talaga!”

inggit na inggit ang mga kalaro ko noon. at simula noon, kami na ang official STALKER ni Juni.

sa apartment na tinitirahan niya, may rooftop. siguro, 7th or 6th floor yun. walang elevator sa apartment na iyon. pero si Yeyeng at si Lallie parang hindi napapagod. ako, bilang pinaka-tabachoy sa kanila, 4th floor pa lang, parang gusto ko nang magpatiwakal sa sobrang hapo.yung tipong sa sobrang pagod mo, pag-uwi mo, kain ka ng tao at extra rice!

di pa uso ang camera-phone noon. beeper pa lang. maski digi-cam wala. kaya wala kaming ebidensiya sa pang-ii-stalk namin.

hapon iyon. parang 3 o’clock habit na nga namin ang abangan siya. dala ang aming mga mahahabang garter at lubid na gawa sa madaming goma na panglaro ng i love you…televerse-televerse, dugyot man kami dahil pawisan kami, kembot lang. makita lang namin siya.

ang rooftop ay sampayan ng mga katulong. lahat ng nakikita namin doon, mga Dodong at Inday na nagliligawan sa tuktok. feeling nila, walang nakakapansin sa kanila. palibhasa wala naman si Ma’am at Sir at ang mga batang binabantayan nila, tulog.

naglalaro kami. ayawan. kain ng ice candy, grape juice flavor, na binili namin sa tindahan ni Ate (hindi ko alam ang pangalan ng tindera) pinapatay namin ang oras dahil ayon sa aming source, pupunta daw si Juni sa rooftop. maglalaro daw sila ng barkada niya.

at lumangitngit na ang gate. ayan na si Juni. pero mag-isa lang siya!

bakit kaya?

gusto namin lumapit sa kanya. pero hindi namin magawa dahil nahihiya kami. tuwang-tuwa kami. gusto namin tanungin kung ano ang apelyido niya at kung kailan ang birthday niya. anong section niya at kung teacher niya ba si Ma’am Gutiza at si Ma’am Melizo. at kung paborito niya ba si Sir Inovio at si Sir Duenas. Kung anong tinatanim nila pag EPP nila. kung teacher niya ba si Ma’am Handig sa PE kasi teacher din namin siya. at kung ganun nga, pakiramdam namin, siya na ng destiny namin kasi pareho kami ng teacher. Haller? As if naman na yun ang basehan ng kapalaran namin? basta pareho ang teacher kami na? hahahhah! ang babaw! grabe!

nakatunganga lang si Juni sa isang tabi. Hindi kaya magsisilong siya ng sinampay? o gusto lang niya magpahangin? o gusto lang niyang tingnan ang mga tao sa baba at tawagin sila at titingnan niya kung maririnig ba siya ng mga tao dun? o g usto niya lang makita ang mga tao sa kabilang street?

at ang nakakaloka pa, yung isa kong kalaro, may dalang AUTOGRAPH BOOK. ano ba si JUni? artista? hahaha! nakakatawa talaga.

—————————————————————-

yung mga tipong:

DESCRIBE YOURSELF: JUDGE ME. MIRROR PLEASE (GRABE SA KA-JOLOG-AN!)

DEFINE LOVE: Love is like a rosary that is full of mystery. (CLASSIC! KABUGERA!)

WHAT IS YOUR DREAM: to be a scientist. (pagdating ng college, Nursing!)

WHO IS YOUR FIRST KISS: parents! (tae, incest ba to? low IQ kasi kami sa mga ganoon!)

WHAT IS YOUR FAVORITE FOOD: all that I can eat. (kaya niya siguro kumain ng plato, halaman, lupa, kuko, kulangot… ewww!)

WHAT IS THE NAME OF YOUR CRUSH: SECRET (walanjo! secret. pero secret ni kyeme, si chorva, ni ineng, kung sino-sino. hay….)

WHO IS YOUR BESTFRIEND: chenelyn. I love her so much. (eh as if naman bababa ang singil sa taxi pag nasagutan niya lahat.)

WHAT IS YOUR ZODIAC SIGN: Piesces. (grabe, ako din eh. Piesces din. hahahah!)

WHAT IS CRUSH: crush is paghanga. love is blind. crush is what i feel for you. (tae, panalo sa banat!)

MOTTO IN LIFE: do not do to others what others don’t. (siguro nosebleed na yung nagsasagot.)


MESSAGE TO THE OWNER: thank you for the support, thank you for writing me here! i am so happy that i am your friend. thank you for the autograph.

Just Always Pray At Night (may mga ganyan pang nalalaman. English pa yung message di mo naman maintindihan.)

at sa dulong page pa nagsulat. pa-importante.

—————————————————————-

going back…

lapit siya…

pero wala. di matuloy. at yun, naiwan na lang kaming nakatitig kay Juni, hanggang umuwi na siya.

wala. naikuwento ko lang. nakakaloka talaga kasi eh. wala na kaming nabalitaan kay Juni pagkatapos noon.

yung iba ko namang mga kalaro, desperada. sobra.

bumili ng autograph tapos sila ang nagsagot. sandamakmakna echusera!

—————————————————————-

MORAL LESSON: bantayan ang inyong mga anak. dahil hindi niyo alam kung kelan sila dadapuan ng kalandian! ahahah!

—————————————————————-

AKALA MO PANG-XEREX XAVIERA ANG PAGKAKA-NARRATE! HEHEHEH!

—————————————————————-

napagkuwentuhan lang.

di kaya isa na si Juni sa napadaan sa blog ko?

—————————————————————-

MASAYA NAMAN TAYO NIYAN?

MY SO IMPOSIBLENG CHRISTMAS WISHLIST (POSTED: NOV2008)

INTRO: MERRY CHRISTMAS SA LAHAT… ilang araw na lang Pasko na!

hindi ko alam kung sinasaniban ng masamang isipiritu ang blog ko at may kung ano-ano akong comment na nakukuha tungkol sa tramadol (pain reliever siya mga kababayan!) ang dami kong comment na galing sa pesteng to. hay… siguro alam nung nagpo-post na i am in pain. I’M TOUCHED, ARENT U? PA-CHEESEBURGER NAMAN KAYO! wahahaha

minsan sa ating pag-iisa, may mga bagay tayong naiisip. mga pangarap. hindi yung pangarap na reachable. may mga pangarap lang kasi na halos imposible nang abutin. paano ko ba ilalagay into words? ako kasi may mga bagay na gusto ko mangyari pero wala eh. gusto ko magkaroon pero wala ako. gusto ko yung maging ako pero hindi naman. yung mga ganun ba.

malapit na kasi ang Pasko. nag-resign na pala ako sa trabaho. tang ina, wrong timing. shates! di ko naisip ang 13th month, ang quarterly bonus, ang sweldo.. ang bobo ko talaga. palibhasa tinamad na ako mag-calls at ayoko na talaga. para sa training na wala namang sweldo. ang tapang ko mag-resign wala naman akong ipon. boba, boba, boba!

————————————————————

MY SO IMPOSSIBLE CHRISTMAS WISHLIST NA NANGANGAILANGAN LANG NG HIMALA AT END OF THE WORLD BAGO MATUPAD…

1. sana sexy na lang ako… at maputi ang kili-kili ko..

-para naman makasali ako sa Rexona dance at sa Ms. Fitrum sa Wowowee.

2. sana bading na lang ako…

-nood kayo anime na GRAVITATION yung title. malalaman niyo kung bakit.

3. sana maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-marami akong pera…

-sa sobrang dami, di ko na alam kung saan ko gagastusin. ung bang pampunas kona siya ng pasamanong madumi. at sulatan ko na siya ng draft ng blog ko.

-pag nanalo ako sa lotto, hahanapin ko na ang magkasamang pwersa ni Belo, Calayan at MEndez! Mag-volt in na sila dahil susugod na ako sa clinic nila! humanda na sila! wahahahaha!

4. sana anime na lang ang lahat ng tao…

-para lahat ng klase ng facial expressions nagagawa ko. kaya ko manapak na makakapunta sa kabilang part ng universe, ang balat ko walang guhit. kayang maging hugis puso ng mata ko pag in-love ako, magba-blush ako sa ilalim ng mata, iiyak ako na kayang pabahain ang Espana abot hanggang Rotonda, ang bibig ko mas malaki pa sa kweba, kaya kong umikot at sumayaw-sayaw at kahit lumipad… at kaya ko maging kulay blue, may buhok na daig pa ang taong nabili na lahat ng conditioner sa buong mundo dahil ung mga anime characters ang ganda ng buhok nila… ang dami-dami pa.

5. sana lahat na lang libre

-tutal mas masarap kumain pag libre, di ka na maga-abroad kase andito lang sa paligid ang kailangan mo, walang kailangang bilhin kaya di rin kailangan ng pera. pwede mo nang alisin ang wish no 3.

6. sana lahat ng lalake na lang ako.

-pihado di man ako gwapo, cute naman ako. chubby man ako, funny naman ako. di naman ako masyadong matalino, pero witty naman ako. di naman ako mayaman pero sureball may work ako. sigurado, may syota na ako ngayon. madami pa sila. buong baranggay. pati bakla kakabit sa akin. pati tomboy magiging girl pa sa girl. at sigurado rin, ang yabang ko nun! sobra!

7. sana MASSCOM na lang course ko.

-malamang artista na ako at ako ang gaganap na TABA TINA (si tina na mataba noon at naging sexy at naging super ganda. naghihiganti sa mga nang-api sa kanya!), kalaban ni BETTY LA FEA. malamang ipo-postpone next year ang LALOLA. (o, yung mga fans nila, wag magalit. wish lang naman to.), pati EL CUERPO taob na! wahahahaha! grabe! apog men… apog! nagamit ko pa pinag-aralan ko. o kaya, newscaster na ako. o kaya pwede na rin akong sumabit kay Kuya Kim. okey na yun!

8. sana ibon na lang ako.

-para makalipad ako sa iba’t-ibang lugar. at pwede pa ako mag-migrate sa iba-ibang bansa kahit wala nang papers. migratory bird ba?

9. sana sabon na lang ako.

-baka sakaling mabili niya ako sa store at ako ang isasabon niya sa katawan niya! yahoo!!! tiba-tiba tayo men!

10. sana matupad lahat ng wish ng mga tao para malaman nila na hindi iyon ang sagot sa lahat!

-quote daw iyan ni Jim Carey. galing niya mag-Tagalog no?

————————————————————

hay… paano ba tutuwid ang utak na baku-bako? mas baku-bako pa sa taong may pimples na tinubuan ng mukha, parang taling nagkapili-pilipit, parang ispageti sa tinidor, parang baklang nagsabunutan, parang kulot na buhok na hindi masuklay, parang.. para akong gago…



balik uli ako pag may masasabi nang matino.

————————————————————



TEKA, IKAW BA, MALIBAN SA WORLD PEACE, ANONG WISH MO PARA SA PASKO?

pati nga aso ko tinatanong ko, CHUBA, WHAT DO YOU WANT FOR CHRISTMAS?

ako, gusto ko ng IFONE.

WAG MAHULOG SA MGA TAONG PA-FALL (POSTED: OCT2008)

intro:

ako ang taong parang hindi.

parang etits. kung saan masikip doon sumisiksik.

mas magulo pa sa bulbol ang utak ko.

mas malikot pa sa bulateng nabuhusan ng asin.

mas nagpupumilit pa sa taong ayaw naman sa ‘kin.

…whatever yaya, you’r such a loser!

—————————————————————-

KUNG GUSTO NIYONG GAWING KANTA KUNG PWEDE, INFORM NIYO LANG AKO, PAPAYAG NAMAN AKO BASTA WALANG ANGKINAN AH? PAPAHIRAM KO NAMAN KUNG GUSTO NIYO.

INLABABO MODE.

—————————————————————–

Ayoko sana umasa

Pero bakit

Konting hawak mo lang

Lumapit ka’t ngumiti

Gaano man kalaki ang kasalanan mo napapatawad ko.

Hindi ko inasahan ‘to

Nang dumating ka sa buhay ko

Sa taglay mong ganda

Nakagawa ako ng kanta (tula kasi wala namang music)

Hindi ikaw ang pinangarap ko

Dahil lahat ng hinahanap ko wala sa’yo

Pero bakit ‘pag nariyan ka,

Parang lahat ay kumpleto na.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo ‘ko in-indian

Na-late lang ako ng 45 minutes

Umuwi ka na agad

Sabi mo darating ka

Pero nung tawagan kita

May lakad ka pala!

Ayos lang kung ako ang gumastos pag lalabas tayo

Basta hindi ako kapos

Napapa-frown ako pag ako na ang magbabayad

Napapa-smile ako pag nakahawak na ang kamay mo nang banayad.

Kailan kaya ako makapagtatanong sa iyo?

Sa tuwing pagtitig mo, mata mo’y tila sa akin nakapako?

Ayokong isiping ika’y naglalaro

Pero palaisipan sa’kin

sa isip mo kung anong tumatakbo.

Tuwing hapon tayo’y magkatelebabad

May incoming lang ako, hang up ka na agad!

Walang bye-bye, walang pasabi

Pero ako tatawag pa rin uli.

Sa tuwing tayo ay magkasama

Pakiramdam ko, walang tao sa paligid kundi tayong dalawa lang

Tumingin man sila’y wala na akong pakialam

Conscious kunwari pero masaya na ako malandi ka lang!

Hayaan na sana nila ang pakiramdam na ito

Huwag mawala.

Ayaw sa iyo ng kuya ko

Pero ako gusto ko sa iyo.

Pero minsan ayoko rin sa’yo

Pero ang ending gusto ko pa rin!

Hindi kita syota

Pero parang more than friends

sasapakin kita

Kung akala mo ikaw ay aking kuya!

Di ko maintindihan

Manliligaw ka na lang ng iba

Ikukuwento mo na lang sa akin pa?

I guess I’m just your bestfriend

Good enough to be your fiend as well.

Di ko alam kung ito’y pananadya

O kung ako lang talaga ang madaya?

Mahalaga ka naman sa akin

DI lang ako showy

Ako ba mahalaga sa iyo?

You are to sweet to be expressive

That I’m just your toy

Oh boy!

—————————————————————-

We are friends. Plain. Ako may malisya flavor. Ikaw walang paki factor. I love you. Parang Barney.

—————————————————————-

hindi lang ako makatulog kaya ko ‘to nagawa.

wala namang nakakatawa.

—————————————————————-

PLease lang. wag niyo kong babanatan ng “Whatever Glaiza, ur such a loser.”

KAsi alam ko na. Matagal na.

ANG SALES GIRL NA INIMBENTO (POSTED: SEP2008)

ACT 1: SCENE A.

ilang taon din akong naging sales person. sa bawat panahong daraan tulad nito, "-ber months", ayan na naman ang

raket namin. halos lahat na yata kaya naming ibenta. computer, kalkalator (hahah! i mean, calculator!), lagari,

kubyertos, kawali, lighter, gasul, kutsilyo, gunting, hair accessories, pampapayat ng mataba, pampataba ng

payat, pampalaki ng maliit, pampahaba ng maiksi, pampasaya sa nalulungkot, ewan. basta. lahat.

una kong sinubukan ang mag-demo ng kutsilyo. diyan sa department store sa Recto. ang saya-saya ko dahil sa wakas

may trabaho na ako. ang daming kutsilyo! ang gaganda at lahat bago. sana maiuwi ko sa amin nang masubukan ko pag

nagluto ako sa amin.

ang ganda talaga ng mga kutsilyong iyon! bilib na bilib ako.

unang araw ko sa trabaho.

"galingan mo ah? pag madami kang nabenta, sinisiguro ko sa iyo na bibigyan kita ng maraming komisyon!"

"talaga boss? o sige po!"

dali-dali na akong pumunta sa estante namin. yan na! i’m so excitement! ahahah!

"sir, ma’am lapit po kayo. may bago po kaming produkto. NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po

kayo, tingnan niyo. "

pakiramdam ko, ako si Rachel Ray. Para akong may cooking show na ako ang bida! Cooking ng inang yan! Ang saya

ko.

Lumapit na ang mga tao. Mga kulang-kulang 15 sila. at unti-unting dumadami. okay na rin. at least feeling ko may

televiewers ako. Karamihan sa kanila mga nanay.

"Okay ba yan?" sambit ng isang tangahanga.

"opo ma’am, sir! okay sa olrayt! Lahat kaya nitong gawin. Kaya nitong maghiwa ng gulay within 30 seconds. hindi

na kayo maiiyak sa sibuyas dahil napakabilis trumabaho nito. o kaya tingnan niyo ang chopping board na ito,

kayang-kayang lagariin! at tingnan niyo ang bagong-bagong combat shoes na to na sobrang kapal! kayang-kayang

hatiin! Magpikpik ng bawang? walang problema. pitpit to the max sa isang hampas lang."

ang totoo, pagod na ako. kulang pala ang isang horsepower, 35 joules, at 47.99 kwh of force para makumbinsi mo

ang tao na bumili ng produkto mo. ibang klase. hiningal ako dahil halos hindi ako huminga makumbinsi ko lang

silang bumili ng NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo, tingnan niyo.

"maghiwa ng sobrang tigas na baka? walang kapawis-pawis. with our state of the art craft, it’s the best tool you

can never miss in your kitchen…blah blah blah…

…and it’s so safe kaya nitong papatay ng tao. rapist, magnanakaw, oportunista… name it! puputulin ko pa

daliri ko! ayoko na. hinihingal na ako. para akong gago. pero go lang. bumili na kayo kung ayaw niyong masaktan!

Php450 lang. isang set na. may kasama pang dvd na bold kung gusto mo."

ewan ko kung anong klaseng ispirito ang sumanib sa akin. buti na lang hindi ko nasabi yan.

nahulog na ang microphone kong may headset na basang-basa na ng microdroplets ng laway ko. tawa ang mga tao.

tawa rin ako. para akong gago. sige lang. ang mahalaga naman bumili sila.

ilang linggo. nakakakumisyon naman ako sa aming NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo,

tingnan niyo. at pagkatapos ng isang taon, nakaipon na rin ako. binigyan ako ng boss ko ng isang set ng NICE

kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo, tingnan niyo. at ginamit ko na sa bahay namin.

impyerness, kumbinsing!

masaya ako. kahit hindi ako nakatapos ng high school, masaya ako dahil masasabi ko na rin na may kaya akong

gawin!

pero sawa na ako sa pagdedemo ng kutsilyo. gusto ko iba naman!

petiks for one month. pahinga muna.

pero pagkatapos nun, hanap ako uli ng bagong target.

—————————————————————————————————–

ACT 2: SCENE B.

at ito, dun naman ako sa raon. ang saya-saya. may bago na naman.

ang ibebenta ko?

DVD player at mga CD. pirated pero okay lang. mas madali kita nito dahil maraming parokyano. madaming bibili.

bumbay ang boss ko this time.

"o kailangan dito, mabilis, maliksi, matalino, magaling magsalita at magpalusot. at magaling magligpit ng

estante pag nandiyan na ang mga comrades ni Chairman at ni BFF. kailangang matinik kung nandiyan na ang pwersa

ni Shaider. ok?"

"opo manager!"

"oh, ma’am sir… anime, grey’s anatomy isang box, dr. house, anime, bleach, naruto, hentai, bold, paris hilton,

angel locsin, sampaloc dorm scandal, malinaw ma’am sir. pwede i-testing. pag di gumana. pwede pong ibalik. we

have your movies here for as low as P10. try it now. audio rin. yoyoy, willie, regine, manny pacquiao… para sa

bayan ang presyo na ito. "

ayus! dami. suki ko estudyante, mga manyak, mga retailers, mga teacher, may artista. naalala ko may isang

komedyante bumili sa akin. nagpa-picture pa ako.

smooth sailing ang business namin. ang saya-saya. mura man, malakas naman ang kita. di ka mawawalan ng customer.

kahit madami kami dun, assured that we have the top of the line CD writers thaT records everything in high

definition!

panira lang pag dumarating ang alagad ni Chairman.

pakiramdam ko, soundtrack na namin ang kanta ng Maskman…

"Humanda na kayo, kampon ng kadiliman. Oras na ng pagtutuos. kasamaan ay dapat matapos. Narito na sila (tenk!

tenk! tenk!) bayaning tagapagtanggol! Sa masama’y lilipol!!!"

hala! ito ang na-develop ko sa walong buwan na inilagi ko. naging mala-Flash ako sa bilis kong magligpit ng

gamit namin. takbo!organized. at lagi akong nakakatakas. at kinabukasan babalik muli! "Thriller!" bilib ang boss

ko.

pero natakot ako eh. paano na lang ako? eh kug mahuli ako ng pulis? mag-isa nga ako sa buhay pero hindi pwedeng

ganito. wala ngang mag-aalala sa akin pero may matino akong bahay na inuuwian kaya ayokong makulong. at isa pa

ayokong malagyan ng tatoo. ayoko.

iniwan ko na ang trabahong iyon. walang pasabi. alis agad. wala nang backpay. ayoko na.

hindi ko alam kung bakit hook na hook ako sa pagtitinda. kasing hook kung paano ka na-hook kay Dao Ming Ze at

F4. gustong-gusto ko ang nagbebenta. masaya kasi para sa akin. yun lang nagsasawa ako agad. pero yun at yun rin

ang hinahanap-hanap kong trabaho.

balik department store ako. sa Carriedo naman.

pero hindi naman ako nagdedemo doon. dun ako sa women’s apparel.

lahat na ng babae nakita ko na. magaganda na akala ko may pera, wala naman pala; mga jonget na minsan kong

hinusgahan na hindi bibili, bibili pala (sorry po. ito ang common na ayoko sa mga sales person sa mundo.

nangyayari talaga ito. hindi ko sinadyang isnabin po kayo. magtatanda na po ako.); mga tama lang. tamang bili,

tamang layas; yung mga rich kids na estudyante, mga simpleng tao, nakakatuwang customer, bakla at tomboy, kung

sino-sino pa..

"thank you come again… thanks for giving the exact amount ma’am. eto po, dahil worth P1000 ang nabili niyo,

may free gift po kayo. Punta na lang kayo sa bay18 to claim your free gift. isang pares ng elegant earrings with

studded pwet ng baso at manipis na metal plating. especially made for beautiful women like you."

ang ganda ng uniporme ko. ang iksi at feeling ko ang sexy-sexy ko. kaso lang pag nasa jeep ako, bakit kaya lahat

ng lalake nakatingin sa akin? maiksi lang naman ang one piece, one colored uniform ko at kapag bumababa ako ng

jeep halos makita na ang panty kapag yumuyuko ako. yun lang naman tapos tinitingnan na nila ako? wala naman

akong motibo ah?

isama mo pa ang stockings kong skin tone at Havana footwear.

ayoko na rin. after 6 months, nagsawa ako. petiks muna.

pero kape-petiks ko, naubos rin ang pera ko. ayun, hanap uli.

hindi ko maiwan ang Maynila. ano bang meron dun at doon ko gustong-gustong magtrabaho? taga-Rotonda naman ako?

hindi ko rin masagot ang sarili kong tanong. pero I love Manila. heheh! at love ko rin si Mayor Atienza! yehboi!

hanggang ngayon.

at ang nakakatawa, sobrang desperado ako noon. punta ako ng Quiapo. nagdasal. wala na akong pera. kailangan

rumaket. paano kaya.

may isang lalake sa may LRT 2 at nakita kong may mga dala siyang mga de-kahon at parang luging-lugi siya.

"kuya, wala akong raket. Gusto mo ba ako na ang magbenta? ta’s balikan kita. wala lang talaga ako. ok lang ba?"

hindi na siya nagsalita. binigay niya sa akin ang bag.

at anong laman?

parang gusto kong matawa nang mabuksan ko ang box. anong strategy ang gagamitin ko dito? hindi kaya kuyugin

ako?:

"HUHUHU… sex ring.. vibrator… bili na kayo?"
"dude, pampaligaya? gusto mo?"
"the best sex toy in the whole universe. wanna try? for only P300 you’re guranteed 100% satisfaction at the

comfort of your own self."

wait there’s more!

"pag bumili ka ng isa, libre na ang isa pa. para sa iyo at sa partner mo. tig-isa kayo! tahimik to. di

tumutunog. at pwede na yung battery na nabibili mo sa tindahan yung sampu-apat. di pa madaling ma-low bat! bili

na! ang mag-iingay kayo lang! hindi yung vibrator."

and we don’t stop there.

"refer your friend and get P5 off sa sex ring! pangiliti din to! you can use it anytime but not anywhere. just

wear it in your middle finger at mapapasigaw na kayo! get get aww!"

ang bastos ko ba? hindi ko nga nabenta eh. wala. butata. ang hirap kaya magbenta ng bagay na hindi mo masubukang

gamitin?

waahhhh!!! anong gagawin ko?

—————————————————————————————————–
ilang buwan pa ang lumipas.

"jingle bells.. jingle bells.. jingle all the way… "

benta mode uli. sa DV. Christmas decors.

ubos na yata strategy ko. naging commoner ako. ang makulit na tindera, bow.

"Ma’m, sir, try niyo po yung mga Christmas balls namin. makintab at di madaling kumupas ang kulay. We have red,

green, gold, silver… Mura lang po. at may candy kane din kami., mini Santa, Christmas light po. may blinker at

wala. in different colors rin po. maganda po i-display sa bahay at sa hardin niyo sa halamanan. at star na

pantuktok sa Christmas tree. may Christmas tree rin po kami, 3-6 feet lahat meron. may Christmas package din

kami. bili kayo for P2500, lahat ng nabanggit ko makukuha niyo sa isang bagsakan…

may panregalo rin kami rito.. ano pa sa inyo.. pili lang…"

lapit kay ma’am, lapit kay sir.. sila naman lalayo.

makakalit amo Intsik pak wala kami benta. baka wala ako sweldo pak wala benta. Huwak kayo kalimot bili amin. Pak

wala bili amin, wala pela. Ako iyak, tadyak akin kasela sa bahay pak wala bayad lenta. Potah!

—————————————————————————————————–



to be continued… someday.



—————————————————————————————————–



addendum:



"Manong pabili nga ng taho? "

"Ilan?"

"dalawa."

"magkano?"

"lima isa. so bale sampu."

"ma, bayad. (P100.)"

"wala ka bang barya?"

"keep…. "


"…the faith in God."

"… ito sampu Kuya. Thanks."

EXAM-AN! (POSTED: SEP2008)

INTRO:

HINDI PORKE’T MAGALING KA SA INARAL MO NOON AY MAGALING KA PA RIN DOON HANGGANG NGAYON… LALO NA KUNG HINDI MO NI-REVIEW NG GANOON KABUTI.

—————————————————————————————————–

August 27, 2008

alas cinco y medya… saktong-sakto.. nagising na ako. medyo mainit ang katawan ko. pawis na pawis ako. ewan. masakit ang ulo ko.

o… ano bang iniisip niyo? kayo ah… wish ko lang di ba?

exam ko kasi mamaya (huwag niyo nang tanungin kung para saan). alas otso y medya. kailangan kong umalis nang maaga dahil magji-jeep lang ako mula Commonwealth papuntang Pasay.

—————————————————————————————————–

Mahaba ang biyahe. Muntik na nga akong ma-late. At kamalas-malasan, nahuli pa ng pulis yung pangalawang jeepney na nasakyan ko. Pero nakarating naman ako ng buo sa venue.

—————————————————————————————————–

Alas otso kinse.

mega-announce ang nurse-coordinator para sa magaganap na disaster.

NAg-aral naman ako.

Nagawa ko pang um-absent ng isang gabi sa trabaho para lang makapag-review. Medyo masama nga yata ang loob ng TL (team leader) ko sa akin dahil um-absent na naman ako. PInilit kong huwag munang pansinin iyon dahil gusto kong mag-focus dun sa inaral ko.

At ito na… dumating na ang dalawang bouncer ng examination hall para siguruhing walang kopyahan na mangyayari at magiging matino ang kalalabasan ng pagususulit.

tama na… focus na sa aking papel.

tahimik ang paligid. ang ingay lang ang ay tunog ng mga papel na inililipat ng mga kasama kong nagte-test kung tapos na sila sa page 1.

ako… page 1.

number 1.. ay hindi ko alam ‘to.

lipat.

number 2… ay hindi ko pa rin alam.

lipat.

number 3.. teka, mamaya na to.

lipat.

number 4… ahhh.. di ko rin to alam.

lipat…

teka… waahhhhhhhhhh!!! wala ata akong alam. number 5 na ako, wala pa rin akong masagot!

dinadaya ko na lang ang sarili ko. DIVINE INTERVENTION na ang kailangan ko rito.

o Diyos ko, tulungan niyo ako. alam kong walang himala.

Akala mo lang wala, pero meron! meron! meron!

gusto ko na lang patawanin ang sarili ko. parang masisiraan ako ng loob.

shake your head… erase! erase! erase! kaya ko to… 1 to 60 ito. ngayon pa ba ako masisiraan ng loob? sinuong namin ng bestfriend ko ang bagyo para makapagpasa kami ng application.

pumunta ako dito hindi para bumagsak kundi para pumasa at makapasok sa training!

naks… brave! pa-cheeseburger ka naman!

ahh…. basta! sige.. go! go!

laktaw…

laktaw…

pag hindi alam, laktaw.

itaktak mo na yan to the tune of 100 pesos! yan ang ibinayad namin sa examination fee.

“5 mins to go.” sigaw ng examiner.

“nagapala, sa number 54. 2 lang ang choices. so bonus na yan. e di may one point na kayo. are you happy?” singit niya para matakpan ang pananakot niya sa amin.

“ay. 15 mins pa pala…” joke! joke! joke!

tae! hindi ko na alam. parang natatae na ako na hindi ko maintindihan. umiikot sa buong examination hall ang dalawang bouncer. paano na ako? gusto ko sana mangopya sa bestfriend ko. katabi ko kasi siya sa kanan ko.

huhuhuhu!!!! bakit hindi ko makita?

kaso iba na ito eh. mas nakakahiya na’ng mangopya. yung alam niya, kukunin ko lang para mailgay sa papel ko at mailigtas ang sarili ko sa kahihiyan kapag bumagsak ako. hindi na ako estudyante. hindi gawain ng isang propesyonal ang mangopya at mandaya.

huwag na.

sa kabila na lang ako mangongopya. ngyeeee!!!!

pagtingin ko sa kaliwa ko, ahahah! wala nga pala akong katabi. nakalimutan ko. siguro konsensya ko lang yung nakita ko. ahahah!!!

eh di wala na akong makopyahan. sariling sikap na ito.

gamitin ang universal exam tactics.

UMBRELLA METHOD. ito ang paraan kung saan sa isang sagot makikita mong in-embrace na niya ang lahat ng choices. hindi ka papalya.. hindi na… hindi na… hinde.. hinde…hinde…

LONGEST ANSWER. ito naman yung pinakamahaba sa lahat ng choices. yun naaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!! happy birthdaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy… hanggang kapusin ka ng hininga at tawanan ka ng clown.

WHICH IS DIFFERENT. alin.. alin.. isipin kung alin ang naiba. kapag di mo pa naisip, goodluck na lang!



FIFTY-FIFTY. ito ung ELIMINATION METHOD din kung tawagin. ito yung iko-cross out mo ung 2 o higit pang pampagulo sa mga choices. at yun, may 50% kang chance na maging tama o mali sa mapipili mo. kung HARI ka NG SABLAY.. isang tama, sampung mali… sabihin mo na lang TIRA-TIRA.. you’re the man!

VITAMIN C. ito yung kung manghuhula ka at ang choices ay A-D, ang laging tamang sagot ay letter C. ako naman, iba ang teorya ko diyan. ako laging letter b. 80% ang efficiency nito sa akin. wala naman kasing 100% pag nanghula ka. pwera na lang kung sing asim ng powers mo ang powers ni Madamme Auring!

BAHALA NA SI BATMAN PRINCIPLE. hulaan na ito!!!! bobotic mode! let’s get ready to rambol na!!!

nadali ako sa computation. hindi. nadurog ako. nakita ko. parang hindi ko alam. walang choices. hindi parang. hindi ko talaga alam.

ewan. hindi naman ako kinakabahan. hindi naman ako inaantok.

anuver??????

hindi naman ako baguhan sa pagte-take ng exam, BOARD EXAM nga naipasa ko, ito pa kaya?

sige.. sige… dayain mo pa ang sarili mo. false hopes? ewan. hindiiiiiiiiiii!!!!!!!!!

sinubukan ko. sige, sagutan mo. sagutan mo hanggang dumugo ang utak mo.

ito ang example:

ISOKET 80CC. DOSAGE IS 3MG/HR. WHAT IS YOUR FLOW RATE?START NICARDIPINE DRIP. 250CC. 2MG/MIN. WHAT IT YOUR FLOW RATE?





pakiramdam ko, hindi na ako magkakaanak in the future kaiisip. ubos na ang egg cells ko. pati DNA ko sunog na. neurons ko wala nang connections.COMA na. parang namilipit ang fallopian tubes ko. pumutok ang obaryo ko. nababakbak na ang uterine walls ko. lecheng exam! ang hirap! putek!

iniisip mo sigurong over-acting ako.

oo, yun na lang ang magagawa ko nang mga panahon na iyon. ang magpaka-OA. e yun na lang ang magpapagising ng namumuo kong platelets. parang gusto ko na talagang umuwi.





walang choices. kulang ba ang tanong? o ako lang ang kulang?

pero ito ang nasa isip ko:

a. Consult the physician.
b. COmpare with the pharmacist.
c. STOP… taking the exam and go home.
d. Pray.
e. PAss your paper. Huwag mo nang pwersahin ang sarili mo dahil hindi mo naman talaga alam. Umuwi ka na lang sa inyo at magsulsi. Tapos pa-deliver ka sa Jolibee. B7. Go Large! Coke Zero yung drink. 45 mins to deliver.
f. All of the above.

alin kaya diyan?

may mga tanong naman na sobrang sigurado ako sa sagot. Kahit papaano may naaalala pa ako sa mga natutunan ko sa duty ko dun sa pina-volunteer-an ko. meron. meron naman.

abangan na lang natin yung result. hahaha!!!

OUTRO:

KAPAG AKO BUMAGSAK, IIYAK AKO.

ONE LINERS (POSTED: AUG2008)

bago ko simulan ang kuwento, ito kasi yun..

papasok na ako sa trabaho at sumakay ako ng taxi.

huminto na ito sa harap ng building ng opisina namin nang magbayad ako ng P50 dahil yun ang metro.

nang ibigay ko…

mega-turo si manong sa sticker niya:

"ADDITIONAL TEN PESOS FROM THE FARE."

syet!

========================================================================


masyado yatang mabilis para sundan ko ang post ko dito nung JUL 30.


wala lang. kasi may bigla lang akong naisip.

mahilig kasi ako gumawa ng one liner jokes. naaalala niyo ba yung mga ganito:

***

"hindi lahat ng green ay masustansiya…"

-plema

***

yung mga ganyan. hindi ako nagpauso niyan no?

madalas kong biruin ang mga kaibigan ko, gagawan ko sila ng one
liner at jini-GM (group message) ko sa kanila. tatawa naman sila. ako
naman ubos ang load. ahahhaha!!

========================================================================

medyo malayo ang post ko sa naiisip ko pero may koneksyon ng konti.


hindi ako gagawa ng joke ngayon. ayoko lang din sigurong pakawalan ang ideyang nasa isip ko ngayon.

siguro kung ang mga tao sa Pilipinas ay gagawa ng ganito, baka may lalabas na mga ganitong klaseng one liners.


"ang mahal naman ng pamasahe. manong, sukli ko po…"


-estudyante


========================================================================

"kailangan namin ng bahay…"

- pulibi sa kalye na na-demolish lang ang bahay nila kanina

========================================================================


"ang taas naman ng bill namin sa tubig at kuryente…"

-kapitbahay na jina-jumper ng isa pa nilang kapitbahay.

========================================================================

"ang hirap naman nito…"


-batang may hawak na libro pero hindi marunong magbasa

========================================================================

"ang sakit ng katawan ko…"


- batang inaabuso ng kanyang magulang

========================================================================

"sino bang dapat iboto?"


- first time voter na nakatayo sa harap ng mga tarpaulin ng mga bagong kandidato.

========================================================================

"nasalubsob ang paa ko!"


- batang papasok sa eskwela na ang suot ay lumang-lumang sapin sa paa.

========================================================================

"wala na ba kayong makain?"

- asong kakatayin ng mga lasenggo


"oo nga… "

- sabat ng mga dagang nahuli rin ng lasenggo para lutuin.

========================================================================

"ibagsak! ibagsak!"


- sigaw ng mga nagra-rally

========================================================================

"hay, ang kalat talaga…"

- monolgue ng metro aide na nagwawalis ng kalat na iniwan ng mga nag-rally

========================================================================

"gusto ko nang umuwi kaso hindi pwede. huhuhuhu!!!"


-OFW na nami-miss na ang pamilya niya. hindi lang siya makauwi kasi kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng malaki para sa pamilya niya.

========================================================================


"anyeong haseo!"


- koreanong estudyanteng transferee sa isang university sa Pilipinas.

========================================================================

"huwag po…"

- batang babaeng nagmamakaawa sa amang manggagahasa sa kaniya.

========================================================================

"… … … "


-empleyadong walang masabi sa boss niyang nangpa-power trip.

========================================================================

"wala pa pong response galing sa ahensiyang hiningian namin ng tulong"


- pasyenteng magaling na at nakikipag-usap sa social worker at doktor pero hindi pa makalabas ng ospital kasi wala silang pambayad.

========================================================================

"i want to be a nurse."


- Pilipinong doktor na kumuha ng BS Nursing


"sama kami…"


- mga may edad nang second courser for the sake na maka-abroad din. o maki-uso na rin.

========================================================================

"tumahimik na kayo!!!!!!!!!!"


- nanay na nakukulitan na sa labindalawa niyang anak.

========================================================================

"dapat supervisor na ako eh."


- empleyadong biktima ng palakasan system

========================================================================

"bakit siya ang inuna niyo eh kanina pa ako dito?"


- aleng medyo matanda na at hindi kagandahan na hinuli dahil pinasingit ng lalaking cashier ang magandang namimili.

========================================================================

"ayoko na talaga."


- taong ilang beses nang kumuha ng licensure exam na take 8 na hindi pa rin pumapasa.



nag-asawa na lang. hay….

========================================================================

"gusto ko nang mag-asawa."


- anak ng mga magulang ng isang pamilya na lahat umaasa sa kaniya. may 4 pa siyang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo. 35 years old na siya.

========================================================================

"bilisan mo!!! "

- 2 snatcher hinahabol ng pulis

========================================================================

"ahhhhhhhhhhhh…."


- ale, sumisigaw kasi hinila ng 2 snatcher yung pareho niyang hikaw sa 2 tenga.

ang sakit nga.

========================================================================

"i want to marry you…"

- Pinay na pinapangakuan ng kasal ng kanyang boyfriend na foreigner habang siya ay may asawang tao dito sa Pilipinas at may 5 maliliit na anak.

========================================================================

"i am sorry."


- alam niyo na kung sinong nagsabi niyan

========================================================================

"manong, paki-palitan kasi hindi po umandar."


- teen ager na pumunta sa Quiapo kasi bumili siya ng DVD pero ang totoo umandar naman iyon. kunwari lang hindi para mapalitan na nang bagong DVD. take note, pirated pa yan! na-pirata pa si manong! aysus!


========================================================================

"ma’am, ma’am bold. sampaloc scandal. paris hilton."

- manong sa Quiapo na tinawag ako para bentahan ako ng pornographic DVD.

hahah! tawa ako nang tawa pag-uwi ko. alam na alam ni manong na nanonood ako ng ganon! ahahaha! (o, wag ka umarte, dumadaan naman karamihan ng tao sa ganyan no?)




bibili sana ako wala lang akong pera nun kasi estudyante lang ako at naka-uniform pa. heheh..

========================================================================

"masayang masaya po ako… huhuhuh!"


- aleng nakapasok sa Wowowee sa pa-contest na Willie of Fortune. desperadong manalo.

========================================================================


"itaktak mo na yan to the tune of P5, 000!"


- manager

========================================================================

"paano ko kaya ito itatago?"

- babaeng 14 years old na nabuntis ng kanyang 19 year old na boyfriend na hindi na niya alam kung nasaan na.

========================================================================

"ayoko nang mag-dispute sa sweldo ko dahil mauubos ang oras ko. magtatrabaho na lang ako."


- empleyadong may reklamo sa sweldo niya pero pinili na lang magtrabaho pa rin dahil alam niyang mabagal ang dispute process sa opisina nila.

========================================================================

"antok na ako."

- call center agent na bago lang sa night shift at hindi nakakatulog sa umaga.

========================================================================

"anak, anak, yo ar byutipol layk mami."

- nanay na mine-make-up-an ang anak niyang nangangati ang mukha. sasali kasi sila sa pa-kontest sa TV. That’s My Boy.

========================================================================

"ma, dalhin niyo ‘ko sa ospital!!!!"

- 16 years old na lalaking feeling emo at sa pag-aakalang ang paglalaslas ang magpapatunay na emo siya, ayun, hindi na tumitigil ang agos ng dugo sa pulsuhan (ito ang ang tagalog ng wrist?) niya.

PEER PRESSURE.

kasi sabi ng friends niya, emo ang uso. TH!

========================================================================

"hindi ako adik!"

- lalaking dinadala sa rehab.

========================================================================

"salamat sa Diyos buhay ka anak!"

- nanay na umiiyak sa saya dahil naka-survive ang anak niya mula sa motorcycle accident.

sumingit kasi sa lane. ayun, nabangga ng kotse. buhay siya. putol nga lang ang paa.

========================================================================

"boss, baka naman pwede nating pag-usapan ‘to?"

- mamang may traffic violation at nagbibigay ng "pang-meryenda" sa pulis na nakahuli sa kanya

========================================================================



hindi pa tapos. kaso andami na yata masyado.

wala akong pinapatamaan. ONE LINER lang.